CHAPTER 23 Krishna's P. O. V Pagmulat ko ng mga mata ko ay ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko. "f**k! Tagal kong ‘di na feel 'to, grabe!" bulong ko habang hinihimas ko ang sentido ko. Kinuha ko ang cellphone ko.Wala pa ring reply si Clarence, hindi ko pa rin siya ma-contact. "Anak? ‘Eto na yung soup mo," sabi ni Nanay Cecille at inilagay sa side table ko ang mangkok na may soup. "Thanks," sambit ko. "Mag-ayos ka na, mukha kang bruha sa itsura mo," sabi ni Nanay Cecille at lumabas na ng kwarto ko. "Oo, ang bruha ko... Kagaguhan pa sinabi ko kay Clarence kagabi, nabigla lang naman ako. I didn't mean it," bulong ko habang nakatitig pa rin sa cellphone ko. I check Clarence location at nandoon pa din siya sa bahay niya. "Hindi kami magkakabati kapag wala akong