CHAPTER 20 Krishna's P. O. V Nandito ako ngayon sa bahay ni Clarence, pinaghanda niya ako ng pagkain. "Pasensya na ganito lang kaya kong ihanda sa 'yo, hindi kase ako namimili ng pagkain.. wala akong ref," sabi nito sa akin. Nilapag niya sa table ang dalawang plato na may lamang scrambled egg at rice. Ngumiti naman ako sa kaniya para hindi siya ma-ilang. Isa din sa reason why I really love him, he can live in simplest way. "Tinitipid ko kase yung nakukuha kong pera, alam mo naman... Hindi ako yung tipo ng lalake na maipagmamalaki" sabi nito. "Huh? Are you crazy? Don't compare my life to yours, besides we're now one," sabi ko at kumain. "Iisa na tayo? Kasal na ba tayo?" natatawa niyang tanong. "Gusto mo ba? Tara na?" hinila ko ang kamay niya at akmang tatayo na. "Tsk! Ti