CHAPTER 48 Krishna's P. O. V Nag-ayos ako ng bongga pa sa bongga, pero hindi exaggerated. Elegant make up lang na light para mukhang natural at kinulot ko ang buhok ko saka nagsuot ng uniform. Dala ko ang laptop ko at iba pang gamit. Kinuha ko ang cellphone ko saka ni locate ang company nila Charrise. Nag-taxi ako papunta sa company nila. Masasabi kong sobrang yaman tignan ng luxuries ng mga Staverton. "Sis! Psst!" tawag sa 'kin ni Charrise. Pumasok na kami sa company, puro Englishero at Englishera ang mga tao nakaka nose bleed. Pero lahat sila ay bumabati kay Charrise. Sobrang arte naman ng lakad ni Charrise, akala mo nasa fashion show siya. "Good morning Ma'am! I-I'm sorry, I'm late, I didn't know that you'll come early at work today---" napatigil ang babaeng nagsasa