CHAPTER 44 Clarence P. O. V Namomroblema ako kung paano tataas ang sale ng company worldwide. Sa tingin ko ay kailangan ko pang pumunta ng Japan at Korea para I-check ang branch namin doon. Mas mataas kase ang sale doon dahil madalas silang gumamit ng leathers. "Naisip ko, I can manage the company naman because I know how, sa tagal ko ba namang tumulong kay Dad at sa 'yo paminsan minsan 'di ba?" sabi ni Charrise habang nagce-cellphone. Napatingin ako sa kaniya, Sa totoo lang ay matalinong bata rin itong si Charrise, nasa legal age na rin siya. She know how to handle everything. Even my love life. "I can go to Tokyo, maka-pasyal na rin," sabi nito. Napa-ismid naman ako. Baka hindi trabaho ang gawin nito ro'n. "Are you willing to take the responsibility?" tanong ko sa k