Sheila Hindi na ako mapalagay. Alas dose trenta na ng tanghali pero hindi pa rin bumabalik si Darell. Nakailang balik-balik na ako dito sa tapat ng pinto. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na akong similip sa peephole. Malapit nang lumamig ang mga niluto ko sa kusina. Hindi pa rin kami kumakain ni Jr dahil hinihintay namin ang Papa niya at sabay-sabay kaming kakain nang pananghalian. Siya naman ay nakaharap ngayon sa television at nanonood ng cartoons. Nagkalat ang mga laruan niya sa paligid niya. Kanina ay tumawag naman si Darell at sinabing nakarating na sila doon pero hanggang ngayon ay hindi na siya nagparamdam ulit. Tatlong oras na ang nakalilipas. Bigla akong napalingon sa pinto nang maramdaman ko ang paggalaw ng seradura nito. Kaagad akong napalapit doon. Sisilip sana