"Bye po, salamat sa pabaon," nakangiting sambit ni Shan habang kumakaway palabas ng bahay ng magulang ni Creza. Napabuntong-hininga siya. "Hatid ko lang po sa sakayan," sabi niya sa mga magulang bago sumabay sa paglalakad ni Shan. Hindi na lang niya pinansin ang mga pagtikhim tikhim ng kapatid niya sa gildi habang magkasabay silang naglalakad ni Shan palabas. Napailing na lang talaga siya. 'Napakamalisyosa ng batang to. Tss.' "Wala ba kayong service? Or wala kang kotse na dala?" tanong niya kay Shan nang makalabas na sila ng bahay. Nagkibit-balikat lang ang lalaki. "There was no way I could bring a car, Crez. Isa pa, hassle lang. Okay lang naman ako with the tricycle and everything." Bahagya pa itong tumawa. Tipid siyang ngumiti rito. "Kasi naman, pwede ka namang hindi na la