Halos hindi makagalaw si Creza buong orientation. Halos isuksok na niya ang kanyang sarili sa ilalim lamesa nila para lang hindi sila magtagpo ng tingin ni Shan habang ongoing ang orientation ng mga volunteer. Nasa isang round table kasi sila kaya halos lumabas na sa kanyang dibdib ang kanyang puso habang humahanap siya ng paraan para hindi magtagpo ang kanilang mga tingin. Para na nga siyang kiti-kiting hindi mapakali para lang maitago ang kanyang mukha. Ni hindi na nga siya tumitingala talaga. Hindi niya alam kung nakita na siya ni Shan o ano. Ang tanging gusto niya na lang talaga ay ang makaalis sa lugar na yun at matapos na ang orientation. It's been years. Years since it all happened. Malaki na ang anak niya at kung tutuusin ay dapat binabaon niya na ang lahat ng yun sa limot. But