Chapter 3

1439 Words
"I'm sorry about the commotion, bro." Napayuko na lamang si Creza nang marinig ang paghingi ng tawad ni Shan sa kaibigan. Lihim niyang pinagalitan ang sarili sa kanyang isip. Kasi naman! Sana hindi na lang siya pumatol doon sa lalaki. Nakakahiya tuloy sa mga kaibigan ni Shan. Talagang gumawa pa siya ng eksena. "It's fine bro. Ito rin kasing si Anderson, e. Tss. Badboy ka pa rin hanggang ngayon, pare." Bahgya siyang ag-angat ng tingin sa boyfriend at kausap nito. Katabi ng kausap ni Shan iyong lalaki kanina. Nakita niyang ngumisi ito at sa hindi niya malamang dahilan ay dumako ang tingin nito sa kanya. Nakagat niya ang labi nang magtama ang mga tingin nila. Siya na lang ang agad na nag-iwas ng tingin. Ewan ba niya, naiilang siya sa presensya nito. Ang weird ng nararamdaman niya pag tumitingin ito sa kanya. It makes her feel uncomfortable. "Sorry ulit, bro. And Kyle, wow. You never message me about coming back, huh?" Humalakhak si Shan. Bumuntong-hininga si Creza. Mukhang close pa naman ni Shan iyong nakaaway niya kanina. 'Hay nako, Crez, sa susunod behave ka na lang dapat talaga!' Gusto niya na lang talagang lamunin ng lupa ngayon. Halos buong duration ng selebrasyon nina Shan ay nanatili na lang siya sa gilid nito at nakayuko. Sumasagot lang siya pag tinatanong at halos isang salita lang din ang sinasagot niya. Nakahinga lang siya nang maluwag nang sa wakas ay umalis na sila. Hindi pa rin siya umiimik habang papunta sila sa condo ni Shan. Bumuntong-hininga siya at pinagdaop ang dalawang kamay. Nilingon niya ang boyfriend. "Sorry… s-sorry, Shan." Nakagat niya ang labi. Kinakabahan siya kasi ang seryoso ni Shan sa pagda-drive. Mag-iiwas na sana siya ng tingin nang biglang lumingon si Shan at kunot na kunot ang noo. "Why are you so worried?" Bahagya itong natawa. Dumiin ang pagkakakagat niya sa kanyang labi. "Kanina…sorry kasi-" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang humalakhak si Shan. "Shan?" takang tanong niya rito. Naiiling na tumawa si Shan. "Seriously, you don't have to say sorry, baby. It's perfectly fine." Napanguso siya. "Sure?" paninigurado niya. Ngumiti lang si Shan at tumango nang paulit ulit. Doon siya napahinga nang maluwag at pabagsak na sumandig sa upuan. Tinawanan lang ulit siya ni Shan. 'Hay nako, Crez!' *** "Baby, una na ako, ha. Baka ma-late na ako." Nagmamadaling humalik si Creza sa pisngi ni Shan at saka sinukbit ang shoulder bag niya. "I'll text you later, baby," sagot ni Shan sa kanya. Ngumiti lang siya at kinawayan lang ito. Tiningnan niya ang kanyang wristwatch at halos mapapadyak siya sa elevator nang makitang 20 minutes na lang ay mag-aalas otso na. "Naman, Creza!" palatak niya at mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ng elevator. Nag-grab na lang siya. Mabuti na lang at malapit lang ang pinagtatrabahuan niya. Saktong 7:59 AM nang maka-time in siya. Muntik na siyang himatayin nang sa wakas ay umabot naman siya. Napabuga na lang siya ng hangin at agad na inayos ang haggard niyang mukha. "O! Ang tagal mo ngayon ha!" bati ni Jane sa kanya. Napairap na lang siya at pabagsak na umupo sa kanyang upuan. "Mamaya na ang chika, Jane. Hinihingal pa ako. Kapagod tumakbo!" Tinawanan lang siya ni Jane. Napapikit si Creza habang pinapaypayan ang sarili. Ilang minuto siyang nanatiling ganoon bago muling bumalik sa trabaho. As usual, nalunod na naman siya sa trabaho maghapon. Bandang alas kwatro na ng hapon siya medyo nakapagpahinga. "Grabe, daming deadlines," sabi ni Jane na katabi lang ng kanyang cubicle. Humikab si Creza at sumandal sa kanyang swivel chair. "Hay sinabi mo pa." Napailing na lang siya. Busy na busy talaga sila lalo na pagpatapos ang buwan dahil doon sila nag-iinventory at doon din hinihingi ng board lahat ng financial reports at galaw ng pera ng kompanya sa isang buwan. "May dinner date kayo ni Doc. Shan ngayon?" tanong ni Jane. Doc. Shan na talaga ang tawag nito sa boyfriend niya kahit na hindi pa naman doktor si Shan. Ewan niya. Trip lang nito. Ngumuso siya at kinuha ang phone. Wala pang text si Shan. "Sana. Hindi pa nga nagti-text,e," sagot niya habang kinakalikot ang cellphone. Sana talaga mag-dinner sila ngayon para naman makasama niya ito. Minsan kasi hindi sila nagkakasamang mag-dinner lalo na pag nag-iiba ng schedule ang duty ni Shan. Iyon ang ayaw niya, e pero syempre wala na siyang magagawa roon. Support na lang. Mag-aalas sais ng hapon mag-out si Creza. Nalungkot pa siya nang nag-text si Shan na hindi sila magkakasabay dahil mag-aassist ito sa isang 8 hourse surgery ngayon. No choice tuloy siya kundi umuwi na lang ng mag-isa. Pag ganitong hindi niya kasabay si Shan ay magluluto na lang siya sa condo at doon na kakain. "Manong una na ako!" paalam niya sa guard at tuluyan nang lumabas. Papunta pa ang grab niya kaya naghintay muna siya roon sa may gilid ng entrance nila. Panaka-naka pa siyang tumitingin sa cellphone niya habang tinitingnan tingnan ang mga sasakyang dumadaan. She was at that position when somebody spoke beside her. "Hey." Agad na napalingon si Creza sa nagsalita. Kumunot ang noo niya at nagpalinga linga, baka may ibang kausap iyong lalaki. Humalakhak ang lalaki at umiling iling. Pinaglaruan nito ang hawak na helmet sa kanang kamay. Mas lalong kumunot ang noo ni Creza at tiningnan ang lalaki mula ulo hanggang paa. Naka-full gear ito na pang-ride ito. Nang mapatingin siya sa mukha nito ay ganoon na lamang ang pagkagulat niya. "Wow. Your reaction is priceless," the guy laughed. Nag-iwas ng tingin si Creza at lumunok. Ano naman ang ginagawa ng isang ito rito? "Is that how you greet a new friend?" tanong ulit nito. Sinulyapan niya ito at nahuling nakangisi habang nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya at tinaasan ito ng kilay. "Anong ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong. Sandaling napatitig ang lalaki sa kanya at amuse na umiling. "Wow. You're really fiesty!" Kyle laughed and shook his head. Umirap si Creza. "Can you be direct to the point? What do you want? Why are you even here?" "Woah, woah! Chill, lady!"tumawa ito. "I'm just here to apologize! I mean I know I was really an asshole back at the ride. Sorry." Kyle shrugged. Umirap ulit siya. "Buti naman alam mo," bulong niya na narinig yata ni Kyle dahil tumawa ito. "So uhm I would like to treat you for dinner, if you don't mind of course," dagdga nito nang hindi niya pinansin. Marahas niya itong nilingon. "Nag-apologize ka na. Tinanggap ko na. Pwede ka nang umalis," masungit niyang saad at hindi ulit ito pinansin. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Kyle. "This girl…" naiiling na sabi ng lalaki bago tumikhim. "Look, uhm Creza, I just want to treat you. As a part of the apology. You know. Plus, my timing's right I guess. Shan can't have dinner with you right?" Takang lumingon si Creza rito. "Wait, what? How did you know that? And how did you know my name?" kunot-noong tanong niya rito. Kyle shrugged and grinned. "Well, I called mah bro Shan. He was also the one who told me that you work here and also your name. Look, Creza, I just really want to apologize and… treat you for dinner." Ipinaglapat nito ang mga labi at tila batang tumingin sa kanya. Sandaling tumitig siya rito at sinuri ito. "C'mon, Shan knows about this. Wait, I'll call him." At agad nitong hinugot ang cellphone at tinapat sa tenga. Napailing na lang siya at tiningnan ang grab app niya. Sakto nandoon na ang driver. Bumuntong-hininga siya at inayos ang kanyang bag. Akmang hahakbang na siya paalis nang bigla siyang hinawakan ni Kyle sa braso. "Wait! Shan's here." Ipinakita nito ang cellphone. Kumunot ang noo niya. Ibinigay naman nito ang cellphone sa kanya. Ayaw niya pa itong tanggapin, but he urged him to do so. Umirap na lang siya at agad iyong kinuha. "Shan?" bungad niya. "Baby! I'm really sorry if I can't have dinner with you tonight. Sasalang kami mamaya. Please just go with Kyle for dinner? Please, baby. He can be trusted, I swear. He's my best bud eversince. Please." Nakagat niya ang kanyang labi at mahinang napatango na lang. Binalingan niya si Kyle at ibinigay ang cellphone nito. "Tell me the address. I'll take grab. Magpapapalit na lang ako ng location." Agad na sumilaw ang ngisi sa mukha ni Kyle. Bumuga siya ng hininga at tinalikuran na ito. His presence is really strange. She just can't explain it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD