Pagkalipas ng anim na taon… "Kristoff, magbihis ka na. Dali na, mali-late na si mama sa trabaho! Ihahatid pa kita!" malakas na sambit ni Creza sa anak na nasa hapag pa. "Opo, mama!" sagot naman ng limang taong gulang na batang lalaki bago ito umalis sa hapag. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan ang anak na papasok ng banyo. Napailing na lang siya at saka bumaling sa whole body mirror. Inayos niya ang kanyang uniform at saka siya bumalik sa kwarto ng anak. Hinanda niya na muna ang isusuot ng anak tapos ay ang gamit nito para sa school. Sobrang dami ng nangyari sa loob ng anim na taon. Ni hindi niya na nga namalayan na palaki na pala nang palaki ang anak niya. Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay nasa hospital siya at kapapanganak lang pero ngayon, papasok na sa sc