Hold on "Sabi nila kapag hawak mo na,wag mo nang bitawan, kasi pag bumitaw ka hindi mo alam kung siya ba nakakapit pa" Gumising ako ng maaga, dahil balak kong tulongan si Manang mag handa ng almusal. Matapos kasi nang engkwentro kagabi ay bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanila. Kahit sabihin na hindi ako pinapatulong ni Peter oh di tinatratong kasambahay ay may hiya naman ako kahit papaano. "Goodmorning!" maluwang na sana ang ngiti ko nang maabutan doon si Manang pero as usual nandoon din si Peter na nag kakape na habang nakaharap sakanyang laptop. napakunot ang noo ko dahil morning routine na niya iyon tuwing umaga. "Hija gising kana pala, halika mag kape ka muna habang hindi pa luto ang almusal" "Salamat po Manang" na gumilid sa kanya para magtimpla nga nang aking kape. Hindi ko

