Saddest Goodbye.. "Brigette!" "Brigette!" sigaw nang mga hindi mag kamayaw na fans sa loob nang Stadium, Ito kasi ang unang Concert ko. lalong lumakas ang kaba ko nang marinig ang mga chant nila.. Hindi ko inakalang sisikat ako nang ganito matapos kong i launch ang una kong Album, isang taon ang nakalipas. Pawis ang kamay na hinawakan ko si Hazel na nakatayo sa aking tabi, gaya ko ay tila ninenerbyos din siya dahil sa butil nang pawis niya sa noo, kahit pa fully air conditioned ang lugar. "Brigette, basta ibigay mo na ang lahat,kumanta ka galing sa puso!" Sabi nito na nakatingin sa nakasaradong ding-ding, na ano mang sandali ay bubukas na.. Tumango lang ako sa kanya,napahigpit ang hawak ko sa kamay niya nang bumukas ang Dingding at bumungad saakin ang libo libong tao na nag aabang

