ROSY POV NANG makabili ako ng tatlong push—up bra, hindi ko na sinukat, mamaya ko na lang gagamitin after we talked ng Stephan na iyon. Dapat pala hindi na ako nagdala ng extra bra, tanging panty na lang. Nang makita kong five minutes before 11AM, lumakad na ako muli papunta sa coffee shop na pinag—usapan naming place. Pumasok ako roon at tumingin sa paligid kung nandito na ba ang Stephan na iyon, pero wala akong nakitang pagmumukha niya. “I donʼt care kung wala pa siya dahil aalis talaga ako by 11:01AM. Good luck sa kanya,” sabi ko sa aking sarili. Lumakad ako papunta sa counter para makabili ng maiinom ko, dragon fruit smoothie and slice chocolate cake. Binayaran ko na iyon at naupo sa sulok ng coffee shop. Iniinom at kinakain ko na ang inorder ko habang hinihintay siya, pabaling—b

