ROSY POV PINALO ko ang kanyang braso nang hindi agad siyang sumagot sa akin. “H—hey, uncle Nickel? W—wala ka bang gusto sa akin?” nauutal kong tanong sa kanya. “G—gusto mo lang ba akong tikman? Makuha ang virginity ko?” dagdag na tanong ko sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya nangangamba na ako. Kumakabog nang malakas ang aking dibdib. “H—hey, w—wala ka bang gusto sa akin—” Hindi ko na ituloy ang aking sasabihin nang halikan niya ako sa aking labi, marubdob. Kaya halos hindi ako makahingi nang maayos dahil grabe ang galaw ng kanyang labi sa aking labi. “Ha! Ha!” Hinihingal tuloy ako nang maghiwalay ang aming labi sa isaʼt isa. “Baby Rosy, of course not—” Nanlaki ang aking mga mata. “A—ano? H—hindi mo ko gusto?” bulalas kong tanong sa kanya. Nakarinig ako ng tawa mula sa

