ROSY POV “ROSY, Richard and Ali! Bumaba na kayo dʼyan. Nandito na sina Nickel and Nikko!” Napasilip ako sa pinto ko nang marinig ang malakas na boses ni mom, mabu—bwisit sana ako pero narinig ko ang names nila uncles. Nauna na akong bumaba kaysa sa dalawang kapatid kong lalaki, bahala silang masabunan muli. Nakita ko sina uncle Nikko and uncle Nickel na nakaupo na sa sofa namin. Pa—simple ko silang tinignan at kinagat ang aking ibabang labi. “Rosy—nasaan ang mga kapatid mo—mabuti naman at bumaba na rin kayo. Tara na at baka ma—late pa tayo sa game ni Stephan!” Napangiwi ako sa kanyang sinabi. Alas—onse pa kaya ang game nila at nine pa lang ng umaga ngayon. Kaya paano kami ma—la—late? Nauna ng naglakad si mommy palabas kaya kami ay sumunod na rin sa kanya. Dalawang car ang dala namin

