ROSY POV TUMUNOG ang aking dila habang nakatingin pa rin siya sa akin nang seryoso. Ako na tuloy ang napaiwas ng tingin sa kanya. “Kung wala ngayon dʼyan si kuya Richard, aalis na lang ako. Thanks sa pagsabi sa akin, uncle Nickel.” Pinatili kong nakangiti habang nakaharap sa kanya ngayon. Tumalikod na ako sa kanya at lalakad na sana pabalik sa pinanggalingan ko nang may humawak sa aking balikat. “What? Ano pa ba ang sasabihin mo?” tanong ko sa kanya. “Sasama pa rin ako papunta sa Mall, Rosy. Nakaramdam din ako ng gutom. Kaya sasabay ako sa iyo papunta roon.” Nakangising sagot niya sa akin. Napangiwi ako sa kanyang sinabi na akala mo ay nagugutom talaga siya. “Eh ʼdi pumunta ka. Wala naman pumipigil sa iyo na pumunta sa Mall para kumain,” sabi ko at pinindot ang lobby floor. “Alam

