ROSY POV NAPANGITI akong napatingin kay kuya Richard. “So, bata pa lang talaga may gusto na siya sa akin, kuya Richard?” tanong ko sa kanya nang ma—proseso ko ang lahat ng kanyang sinabi. “Yes, he is, Rosy. Mukhang bata ka pa lang ay may gusto na siya sa iyo. Akala niya siguro noong una ay nauulila lang siya na magkaroon ng little sister, pero iba pala ang nararamdaman niya sa iyo, mas malalim pa.” paliwanag ni kuya Richard sa akin. “R—really? Hindi ba matatawag iyon na pedo—” Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang magsalita na si kuya Richard. “Actually, inaasar ko siya ng ganoʼn, Rosy. Nainis ang gago. Naging romance na ang tingin niya sa iyo noong 18 ka na raw talaga. Pero, noong bata—bata ka pa, ang tingin niya sa iyo ay nakababatang kapatid na babae lang. Iyon ang sabi niya s

