Sa puntong yon ay napahinto sa gagawin sanang pagpasok sa pinto ni Jade. Napalingon siya ng marinig ang boses nito nang may maalala. Sa tono ng salita nito ay biglang pumasok sa alaala niya ang tatlong taong gulang na anak nila ni Sofia. Nakaramdam na naman siya ng lungkot. Sigrado malaki na yon at baka dalaga na rin ngayon. “Okay sige, maiwan muna kita.” tumuloy na siya sa loob ng bahay at umakyat sa kaniyang kwarto. Ngunit nagulat siya nang madatnan ang mga maleta sa loob at mukhang magtatagal ang mga estudyante niya. Maraming dalang mga damit ang mga ito. Kaya’t dapat na ipalinis niya ang mga kwarto para maging komportable. Sa tingin pa naman niya ay hindi sanay ang magkakapatid na matulog sa basta lang higaan. Mas mabuti na tawagan na lang niya ang caretaker at nang malinis na ang mga