Gabi ng wedding anniversary ng mga magulang ni Jade at anumang oras ay magsisimula na ang party. “Dark, bakit hindi ka mapalagay ano ba ang gumugulo sa isipan mo brother?” “May kakaiba akong pakiramdam Kuya Josh. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari na hindi maganda.” “Secure ang buong mansyon ano ka ba bakit yan ang iniisip mo?” “Halika na pumasok na tayo sa loob.” Nagpatianod siya sa kapatid ngunit balisa ang kaniyang pakiramdam. Kaya nang makapasok sila sa loob ng bahay ay nagpaiwan siya sa living room. Mamaya na niya babatiin ang kaniyang Lolo at Lola. At nang mawala sa paningin ang kapatid ay nagmamadaling lumabas siya patungo sa likurang bahagi ng mansyon. “Kumusta ang sitwasyon dito” “Ayos naman young master.” “Good! Mas higpitan nyo ang siguridad sa paligid.” “Copy young m