One week pang nag stay si Jade sa hospital bago pinayagan ng doctor na sa bahay na lang ito magpalakas. “Dad, uuwi na po tayo ng bahay.” may napapansin si Josh sa ama ngunit ayaw niyang magsalita. “Kuya, bakit parang may kakaiba kay Dad?” halos pabulong lang niyang tanong sa kapatid. “Siguro dahil hindi pa siya fully recover. I mean syempre kagagaling lang niya sa matinding aksidente.” “Anak, tayo na alalayan nyo ang inyong Dad.” Agad na lumapit si Josh, “Dad halika na po.” “Saan ba tayo pupunta?” “Sa bahay natin Dad, uuwi na po tayo dahil magaling ka na.” Si Dark at Soffy ay tahimik na nakasunod. Naawa sila sa ama dahil alam nilang hindi ito normal. Kahit hindi magsalita ang kanilang ina ay alam na nila. Pumarada ang family car nila at maingat na isinakay nila ang ama. Palinga