Samantala ay napakasaya ni Laurice ng makita ang apat na bata sa mansyon ng ama. Napakabait ng mga ito at kahit mahiyan ay isa-isang humalik pa rin sa pisngi niya. “Dito kayo kay Tita, anong gusto nyo” “Tita, gusto ko po mag story book ka sa amin.” “Sige ba, pero hindi ngayon dahil mamayang gabi ko kayo kwentuhan bago matulog.” “Maglalaro na lang tayo Tita?” “Ganito na lang, gusto nyo ba na mag bake tayo ng cookies?” “Wow! Sige po Tita Laurice.” At magkakasama silang nagtungo sa kitchen, isa isang nag pwesto ang apat sa gilid ng lamesa. Habang nakapatong si Baby Soffy sa bangko. Makalipas ang dalawang araw, maagang nagising si Jade dahil masakit ang ulo. At ang babaeng katabi niya ay nanatiling tulog dahil sa dami ng nainom nila ng nakaraang gabi. Agad na nagbihis siya at matapos a