Masaya sila habang kumakain at syempre kasama na ang kwentohan. “Dad sino po ang namamahala dito?” tanong ni josh sa ama. “Ang uncle Dave ang nagma-manage nito at ako ay sa hacienda. Ang Uncle Dale naman ay sa London, sa main office naka base. Kasama niya doon ang Auntie Laurice. Ang Uncle Lath ay siyang nagmo monitor sa lahat ng kumpanya. Kaya dapat ay matutohan ninyo ang pagpapatakbo ng negosyo. Sooner sa inyo din mapupunta ang pamamahala ng lahat. Europe, the Middle East and Asia. Nagkalat ang shipping company ng Lolo ninyo kahit saang panig ng mundo. At kayong mga lalaki ang gusto niyang mag-manage ng mga iyon. Ayon pa sa will ay hanggang saling lahi raw ang pamamahala ng mga negosyo. Kahit ang mga asset ng mommy nyo ay kailangan rin ninyong matutonan.” “Hayaan nyo po at pagka-gr