Marami siyang nainom ng nagdaang gabi kaya naman sa halip na sa banyo maligo ay doon siya sa falls nagbabad. Ilang beses na nag balibalik at nang mapagod ay nahiga sa malapad na bato. Wala siyang gana na magtungo sa manggahan mas mabuti na doon siya sa mga kabayo. Ilang araw na niyang hindi na follow up ang pagti-train niya sa isang kabayo. Kaya’t nang maramdaman na kondisyon na ang katawan ay agad na nag bihis. Pasakay na sana siya sa kaniyang paboritong kabayo na si Black stallion ng bigla itong umangil. Agad na tumalon siya sa baba at mabilis ang kilos na pumasok sa resthouse. Nagmamadaling kinuha ang kaniyang 45 pistol at sinukbit sa likuran. Kabisado niya ang kaniya kabayo pag umangil ito ng gano’n ay panganib para sa kaniya. Pati ang double swiss knife niya ay sinukbit niya sa kaniy