Thalia's Point Of View Tama nga naalala ko noon nung kaluluwa lang ako na nagpalakad lakad lang doon sa paligid noon at nakasunod lang ako kay Dem. Pero bakit nagpakita sa akin si Nanny noon? Pinaliwanag lang niya sa akin na wala na si Dem nun at wala na ang kaluluwa sa katawan niya. Mas nauna pa pala siyang napunta sa mundong ito kesa sa akin? Kaya pala naalala niya agad ako nung nagkita kami sa school nun. Pero 8 years bago siya mamamatay. Naalala ba ni Dem na mamamatay siya sa araw at taon na yun? Di ko kakayanin na mawala siya. "Bakit naman ganun? Di ba talaga kami pwede maging masaya?" Kahit anong gawin ko ay mamamatay pa din siya sa taong iyon? Napahawak ako sa tiyan ko. "Di ko muna sasabihin sa Dad mo na alam ko na ang bagay na yun." Ang gusto ko lang ay ang maging masaya

