Thalia's Point Of View* Naglalakad ako ngayon at todo talaga ang bantay sa akin ng mga Bodyguards kung saan ako pupunta ngayon. Pero hindi ko sila pinansin. Nakita ko kanina si Philip dahil binati niya ako kaninang umaga bago siya pumunta sa opisina niya dito at ako naman ay naghahanap kung nasaan ba ang kusina dito. Lumapit ako sa isang katulong. "Excuse me, nasaan ba ang kusina dito?" "Ah dito po, Milady." Sumunod naman ako sa kanya hanggang makarating kami sa kusina. Lulutuan ko si Xander ng ulam at alam ko na magugustuhan niya ang lulutuin ko kasi ito ang gusto niya noon pa man. "Pwede ba akong magluto dito?" tanong ko sa kanya. "Ang sabi po ni Boss ay gawin niyo po ang lahat ng gusto niyo po." Napangiti naman ako at agad akong tumango tango sa sinasabi niya. "Salamat. Tumunga

