Thalia's Point Of View* Babalik na kami sa Pinas bukas at nakahanda na ang mga gamit namin pabalik doon. Nandidito kami ngayon ni Dem sa balcony nag kakape dahil kailangan din niyang mag chill chill muna bago siya sumabak na naman sa pagka busy niya pagbalik sa Pinas. "Wife, may gusto ka bang puntahan na lugar?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. "What do you mean?" "You know yung mga lugar na gusto mong puntahan o pinapangarap mong puntahan. Meron ba? Doon natin gagawin ang Honeymoon natin." Nagulat naman ako sa sinabi niya. So ang ibig niyang sabihin ay hindi pa ito ang Honeymoon namin? "Hindi pa ito ang Honeymoon nating dalawa?" Umiling naman siya habang nakatingin sa akin. "Iba ang purpose ng pagpunta natin dito kaya maghahanap talaga tayo ng lugar na pupuntah

