3rd Person's Point Of View* Nakaupo ngayon si Thalia sa higaan habang nakatingin sa labas ng bintana at pumasok naman si Xander habang may dala dalang hapunan ngayon. "Darling, kumain ka muna." Napatingin naman si Thalia kay Philip at sa pagkain na nasa harapan niya. "Subuan mo ko." Nagulat si Philip sa sinabi ni Thalia at napangiti siya bigla at agad lumapit kay Thalia at inayos ang mga pagkain sa table bed. Agad naman niyang sinubuan si Thalia. "Kumain ka din, Philip." Hinawakan ni Thalia ang pisngi nito. Napapikit naman si Philip habang pinakiramdaman ang kamay nito na nakahawak sa pisngi nito. "But this is all for you." Gusto ko sabay tayong kumain. Diba ganun naman diba ang mag asawa?" inosenteng ani nito kay Philip. Di mapigilan ni Philip na mapangiti dahil sa nangyay

