Thalia's Point Of View* "Thalia..." Napatingin naman ako kay Andrei at di ko siya nababasa sa totoo lang! Malalaman ba niya na ako ang Asawa ni Dem! "Bakit? May kailangan ka, Andrei?" Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Alam ko na heartbroken ka ngayon dahil may Asawa na si Sir Demetrius na ibang babae. Nandidito lang ako sa tabi mo at wag kang mag aalala at makakalimutan mo din si Sir Dem." What the hell! Ang akala niya ay malungkot ako ngayon dahil akala niya na may ibang babae si Dem! "Nakikita ko kahapon pagdating mo na wala ka sa sarili mo kahapon. Parati kang nakatingin sa phone mo at parang malalim ang iniisip mo. Ngayon ko lang nalaman na ito pala ang nangyayari. Pwede mo kong gamitin ngayong araw dahil restday ko naman ngayon." Nanlalaki pa din ang mga

