Thalia's Point Of View* Nakatingin ako kay Dem na parang nagtatampo. Bakit naman magtatampo? "Dem, wag ka ng magalit. Pasensya na at sumama ako sa hindi ko kilala." Di niya ako pinansin. Waaa hindi ko alam na may ganitong side din pala siya! Ano ba ang gagawin ko para mapaamo ang isang ito? Hinawakan ko ang kamay niya at di pa din niya ako pinansin. "Wag ka ng magalit sa akin. Mabuti din naman na pumunta ako kahapon dahil nakatulong ako sa pamilya niya at isa pa ngayon nagkasundo na kayo diba at hindi na kayo magkagalit. Masama ba ang pagtulong ko sa kanila?" Napabuntong hininga naman siya at tumingin sa akin. Bigla na lang siyang sumandal sa balikat ko na kinagulat ko. "Wag kang sasama sa di mo kilala at wag ka ding lumapit sa lalaking iyon." Nagtataka naman akong napatingin sa