Thalia's Point Of View* Nakatingin pa din ako sa kanila. Ano kaya ang problema nila ngayon? Bakit ganyan ang mga reaksyon nila? "Uhmm, Mr. Henderson. Pwede naman po tayo na mag usap sa meeting room na tayo lang tatlo," kalmang ani ni Auntie Stella. Napatingin naman si Sir Dem sa akin at napabuntong hininga naman siya. "Okay, fine. Come with me." Umuna nang lumakad si Sir Dem at napatingin naman sa akin silang dalawa. "Wala naman pong masamang mangyayari po?" Ngumiti naman si Auntie at tumango. "Gusto lang namin makikipag bati kay Mr. Henderson. Aayusin namin ang mga misunderstanding sa pamilya namin at sa kanila." "Don't worry po mabait po si Sir Dem. Sabihin niyo sa akin pag inaway niya kayo kasi susugudin ko siya," mahinang ani ko na hindi makarinig ang mga seniors ko. Mahina n