Thalia's Point Of View* Nandidito kami ngayon sa kwarto namin at nakabihis na ako ng pampatulog at ganun din siya. Di ako makaalis sa binti niya dahil yakap yakap niya ang bewang ko ngayon. Di pa din ako nakatingin sa kanya at iniba ko ang tingin ko at di pa din siya pinapansin. Hanggang hindi niya sasabihin sa akin ang katotohanan ay di ko siya kakausapin. "My Wife..." Di ko siya pinansin at kinuha ko ang phone ko at naghahanap ako ng video na papanoorin ko ngayon. Ano ba ang maganda? Bigla na lang niyang kinuha ang cellphone ko na hawak ko at sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba?" "Galit ka ba sa akin dahil sa phone na yun?" malungkot na ani niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako habang nakatingin sa malayo. "Wife, look at me, please. Ayokong ipagbubukas ang pagtatampo mo s