3rd Person's Point Of View* Nahihiyang tumingin si Zandro ngayon kay Rise at hindi siya makapaniwala na makita si Rise na sobrang ganda na nito. Nakahawak ito sa braso ng Asawa nito at napakunot naman ang noo ni Thalious habang nakatingin doon. "Zandro?" Nagulat si Zandro nung tawagin siya ni Thalious. Di niya aakalain na nakikilala pa siya nito sa tagal na ng panahon ang nakalipas. "Yes, Honey, siya ang sinasabi ko sayo noon na kasintahan ko noon si Zandro." Dahan dahan namang tumango si Thalious. "Gusto niyo bang mag usap, Honey? Mukhang marami rami pa kayong pag uusapan," ani ni Thalious sa asawa niya at dahan dahan namang tumango si Rise at ngumiti. "Thalious, ayos lang ba sayo na mag usap kami ni Rise." "Yes, matagal ka ng gustong makausap ng Asawa ko. Alam ko naman na hindi m