Thalia's Point Of View* Bumalik ako ngayon sa kung saan nagmemeeting ang mga Boys. Grabe parang bagets lang ha dahil Boys. "May gusto sana akong sabihin sa inyo," ani ko sa kanila na kinatingin nilang lahat sa akin. Gusto kong sabihin sa kanila ang tungkol sa nangyari noon na hindi si Xandra ang lumigtas kay Philip noon. Sasabihin ko na lang na ngayon lang naalala ni Xandra na wala siyang maalala na iniligtas niya ito kaya mali ang taong sinusundan ni Philip ngayon. Para makagawa na din sila ng plano para sa mangyayari bukas. Bukas na kasi ang raid namin sa laboratory ni Philip. Gusto ko ding makita ang bagay na yun. Gusto kong makita ang time travel lab niya. Di ko pa naman kasi nakikita sa personal dahil una sa Forest ako pinatay at ikalawa naman ay sa... teka same place lang ha.

