Thalia's Point Of View* Nakapikit ako ngayon habang nilalagyan nila ng foundation ang mukha ko. May mga make up artist ngayon sa kwarto ko na pinadala ni Philip. "Hindi talaga namin alam na may Prinsesa na pala si Sir Philip." "At ang ganda niya pa. Di ako makapaniwala at bagay silang dalawa." Rinig kong pag chichismis ng mga make up artist sa akin at ako ay akala nila na natutulog lang pero nakikipag usap lang ako kay Xandra sa isipan ko. Para na nga akong baliw dito eh. 'Xhalia?' 'Bakit, Xandra?' 'Wag kang kabahan dahil nandidito lang ako sa tabi mo kung kailangan mo ng tulong ay ako muna ang hahandle sa katawan mo.' 'Thank you. Matanong ko lang kung ganito din ba si Philip sa anak niyang si Xander.' 'Hmm, maybe? Tapos hindi lang pinapahandle ni Philip ang anak niya sa sariling

