Thalia's Point Of View* Nabalitaan agad ng lahat ng mga kaklase ko ang nangyari sa amin sa internship at ang akala nila ay kasalanan namin kung bakit nangyari ang bagay na yun. Napakamao ako dahil nagpafeeling victim ngayon ang babaeng yun. Umuwi na pala ang mga kasamahan ko at ako na lang ang naiwan dito at umiinom kami ng tea ngayon ni Dem dahil break muna namin ngayon sa dami ng trabaho. "Lia, kahit hindi mo sabihin ang tungkol sa nangyari kanina ay kalat na kalat ngayon ang balita sa boung internship mo at umabot na yun sa akin." Inilapag ko ang hawak kong tea at sumandal ako sa sofa. "Naniniwala ka sa sinasabi ng babaeng yun?" "Kailangan ko munang malaman ang boung estorya lalo na at wala ka pang kinukwento sa akin." Tumango tango naman ako. At tinukod ko ang dalawang kamay ko