Thalia's Point Of View* Lunch Time... Nandidito ako ngayon sa opisina ni Dem at inilagay niya sa lamesa ang mga pagkain namin at ako naman ay nakasandal sa braso niya. Parang ayokong gumalaw kahit kaunti man lang dahil pakiramdam ko ay papatayin na ako sa training sa mga susunod na araw. "My Wife?" Tiningnan ko siya. "Bakit?" "Bakit matamlay ang asawa ko?" Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik. "Nakakapagod magtraining at training na naman sa Katana ko. Mukhang pakiramdam ko na kaparusahan ni Xandra sa akin ito dahil kinuha kita sa kanya." Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. "Nah, hindi siya ganun. Nakikita ko na mukhang interesado ka din sa mga swords. Gusto mo samahan kita sa pag tetrain?" "Baka masugatan ka." "Baka di mo alam na ako ang ka sparring partner n