Thalia's Point Of View* Napatingin ako sa phone ko. Di ko muna sinagot ang tawag ni Xander at napabuntong hininga ako at dumiretso sa opisina at sasabihin ko na ipapa cancel ko ang date namin ngayon. Pagkarating ko doon ay nakita ko siyang nakatingin sa labas ng bintana at malalim ang iniisip. "Dem?" Napatingin siya sa akin. "Lia..." Nagulat ako nung makita ko na nasasaktan siya ngayon. Teka? Anong nangyayari? Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya. "Anong nangyari, Dem? Bakit ka malungkot?" "Nothing... you can go to that man." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Teka narinig niya ang conversation namin? "You like him too, right? That Vladon?" "Eh?" Nagulat ako sa sinabi niya. At nakikita ko sa mga mata niya na parang nanghihima siya na ewan at kumurot ang pu