Thalia's Point Of View* Nandidito kami ngayon sa magandang duyan dito sa may garden at may bulaklak pa sa gilid nito. "Wow, di ko alam na may ganito pala dito." "Ginawa talaga yan ni Tita sayo at siguro magiging masaya siya nang makita niya na masaya ka ngayon sa pwesto mo." "Si Mom?" Dahan dahan naman siyang tumango nang may naramdaman akong may kumukuha sa akin ng kamera at naningkit ang mga mata ko. "Alam ko may tao diyan. Lumabas nga kayo." Napatingin din si Vladon sa tinitingnan ko at lumabas naman doon sila Mom at Dad na nakangiti at si Mom naman ay may dalang kamera ngayon. "Mom, Dad..." "Princess, gusto lang naman namin makita ka at sobrang saya ko dahil nakaupi ka na diyan at nababagay sayo ang duyan sa damit mo." "Ah Tita, may naisip po ako." Lumapit siya sa gilid at p

