Thalia's Point Of View* Masarap kong niyakap ang unan ko sa gilid at naamoy ko ang mabangong kapaligiran at tinandayan ko talaga ang unan ko ngayon. At naramdaman ko na may humalik sa labi ko at pamilyar ang labi na yun. At natigilan ako nang maalala ko nangyari bago ako nawalan ng malay kaya napamulat ako at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Dem na hinalikan ang labi ko. Agad ko siyang itinulak at agad napaupo sa higaan at hinihingal at agad kong inilibot ang paningin sa boung paligid. "W-Wait... anong nangyayari? Nasa ibang buhay na ba ako ngayon? Teka naging Prinsesa na ba ako?" Tiningnan ko ang damit ko at naka night gown like a princess talaga at ang kwarto na ito ay parang kwarto ng Royal. "Teka nasa palasyo ba ako? Oh my God! Na success ba si Philip sa time machin

