Thalia's Point Of View* Nauna akong nagising kesa kay Dem at dahil mahimbing pa ang tulong niya ay hinayaan ko muna siyang matulog. Hinalikan ko ang noo niya at napangiti ako habang nakatingin sa kanya. "Matulog ka muna ng mahimbing, Hubby," mahinang ani ko sa kanya at para naman siyang maamong pusa na natutulog pero kung magalit ay para namang Tigre. Dahan dahan naman akong tumayo at magbihis ng susuotin bago lumabas ng dressing room at nag make up ako ng kaunti at napatingin ako sa orasan at alas 11 pa pala ng umaga. Lumabas ako ng kwarto at mukhang mawawala pa ako ngayon dahil sa laki ng mansion ni Dem. Hindi ko kinalimutan ang kwarto namin ni Dem once mawawala ako ay alam ko kung paano makabalik. Pero mabuti naman ay naalala ko pa ang daan papunta sa mahabang hagdanan at nakita

