Thalia's Point Of View* Nakapout ako habang nakatingin sa malayo. Bakit ko kaya napaginipan ang bagay na yun. Pumikit ako at inalala ang mga nangyayari sa panaginip ko na may mga bumagsak na kalaban sa sahig at parang wala lang sa kanya na may kalaban na nasa kwarto niya. Kagaya nung huli ay di ko pa din alam kung ano ang mukha ni Xandra. Hindi naman kasi pinakita ni Dem ang mukha ng dating Asawa niya eh! Tumayo ako at ramdam ko pa din ang sakit sa pagitan ng binti ko at kahit kaunti iyon ay nararamdaman ko pa din. Napatingin ako sa labas ng bintana at maghahapon na atah dahil parang nagiging orange na ang kalangitan. Dahan dahan akong tumayo baka nasa labas pa ang mga magulang ko at pupunta sana ako sa banyo nang may naramdaman akong kakaiba sa kwartong ito. Teka hindi ako nag iisa s