Thirty One

2009 Words

PUNO ng pag-aalala si Fan habang nakatanaw sa madilim na paligid ng kastilyo. Hating gabi na pero hindi pa rin siya dinadalawa ng antok. Kahit sinabi ni Jajil na okay lang si Karrim at nagpapahinga ay hindi niya magawang mapanatag. Sumandal siya sa railing at marahas na nagbuntong hininga. Gusgong-gusto niya talagang makita si Karrim. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nakikita ng mga mata niya na ayos lang ito. Pumasok siya sa loob ng kwarto at nagtungo sa pintuan. Marahan niyang binuksan ang pinto at humakbang palabas. Malaki ang palasyo, paano at saan siyang mag-uumpisang hanapin si Karrim? Bahala na! Nagpasya siyang maglakad hanggang sa dulo ng pasilyo. Pagkadating niya sa pinakadulo, tanging isang kwarto na lang ang nandoo. Hindi niya alam kung saang kwarto naroon si Karrim.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD