PAGKATAWAG ni Tori kay Fan na nasa Tierra De Lobo na ito ay agad siyang kumilos. Sinuot niya ang spy suit niya at maingat na umalis sa Piatras, sinigurado niyang walang makakakita sa kanya. Hininto niya ang bigbike na tinakas niya sa matataas na talahib, kung saan hindi ito kaagad mapapansin. Nagulat pa siya nang may dalawang lalaki ang sumulpot sa harapan niya. Weard… Bakit hindi niya naramdaman ang presensya ng mga ito. Ihahanda sana niya ang sarili nang magsalita ang isa sa kanila. "Kayo ho ba si Kila?" "Oo, ako nga. Sino kayo?" "Kami ho ang dalawang delta na inatasan ni Alpha Maximus na aalalay sayo." sabi ng isa. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito. Kaya niyang gawin ang trabahong ito na mag-isa, hindi niya kailangan ng tulong. Gusto sana niyang sabihin pero isinarili na lang niy