NAKA masid lang si Fan kay Karrim habang nag-eensayo itong mamaril. And worst, si Tori ang nagtuturo rito. Tumaas ang kilay niya nang si Tori na ang titira. Itinaas nito ang baril patapat sa target pag kuway ay kinalabit nito ang gatilyo. Wrong move. aniya sa isipan. Mali ang taas ng braso nito at balikat. Tulad ng inaasahan niya ay pumalya ito. "Mr. Usagi, you want to shoot?" baling sa kanya ni Jajil. "Mr. Brahman." pagtatama niya. Kinuha niya ang baril mula sa kamay nito at walang paghahandang isa isa niyang pinatamaan ang nagkalat na mga target. Walang pumalya. Nilingon niya si Tori kuway tinutok niya ng baril dito. Nanlalaki ang mga mata nitong nanigas sa kinatatayuan nito. "Fan..." si Karrim. "Kung patatamaan mo ng target sisiguraduhin mong pantay ang braso mo sa balikat mo." Mu