bc

Inescapable touch

book_age18+
1.4K
FOLLOW
5.2K
READ
possessive
fated
CEO
drama
sweet
bxg
realistic earth
childhood crush
first love
seductive
like
intro-logo
Blurb

Danaya Madrid is a party-goer, happy-go-lucky, 22-year-old girl. She was born with a golden spoon in her mouth, lived in a fancy house all alone. She was like a Princess in her world not until her brother(not her biological sibling) came back. Her fantasy turns into a nightmare when Dion started to intervene in her sweet, free life. How can she survive every day when she was stuck with her first crush, first love, and the first man who broke her innocent little heart?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: SOLO
DANAYA I can still remember the day I confessed my love to someone I should not love in the first place. I am confident when I say that I love him, you know, and not just some stupid infatuation. I was fifteen when I took the courage to utter the words I kept for a very long time. I manage to deliver it smoothly, and I am not expecting the worst that time because I knew he loved me the most. But, yep! In just nine freaking words, my innocent little heart got rejected. I felt like vomiting and was like, all my blood was rushing up in my head, waiting to burst like, boom! That was so embarrassing that I did everything to delete those freaking memories inside my head. I just wish my hippocampus buried those times so that it will vanish forever. "Yeah, wag mo na akong intindihin pa. I'm going to be 22 next month! I can handle myself. Ang isipin mo na lang sa ngayon ay ang magpagaling d'yan para naman makabalik ka na dito, okay? I missed you, dad. I love you! Bye!" Pagkababa ko ng tawag, mabilis kong ipinagpatuloy ang pagbabasa sa aking diary. Oh geez! I am so dramatic back then. Naiiyak ako sa sobrang cringe. Hindi ko kinakaya. After I confessed, pinaalis ko sa bahay ang itinuturing kong Kuya, because I can’t face him. Bumalik muna siya sa totoo niyang pamilya and after a week, pinagsisihan ko iyon nang palihim. I cried all day, eat less than usual, and honestly, hindi ko matandaan kung nagkaroon man lang ba ako ng maayos na tulog. He was my only friend and family na kasama sa bahay, because dad needs to stay at the hospital. So basically, he was literally the only person na masasandalan ko, BEFORE. Kaya labis akong nalugmok no'ng sabihin niya sa akin 'yong siyam na nakakagigil na salita bilang sagot sa perpekto kong confession. Do you want to know what are those? I CAN'T ACCEPT IT, I WILL NEVER ACCEPT IT. Boom! "Ughhh! Bakit ko pa ba tinago 'tong diary na 'to?" inis kong tanong. Padabog akong tumayo at nagtungo sa baba para itapon iyon. Hindi na ako nagsayang ng energy na punitin ang bawat pahina bago itapon dahil baka masira ang aking malambot na palad, na ayaw kong mangyari. "Ay Tita, excuse me. Pakitapon na lang po nito, salamat," tawag ko kay Tita Josie na isa sa mga nag-aalaga ng bahay. Kinuha niya iyong maliit na notebook tapos tumalikod na ako. Ilang hakbang pa lang ang aking nagagawa, eh, tumigil ako dahil sa kakaibang pakiramdam. "Uhm, Tita!" tawag kong muli. Lumingon ito, ako namang si sabog, hindi alam kung ano ang sasabihin. "Hehehe, wala po pala. You can tapon it na po. Pasensya na," bawi ko. Pagkabalik ko sa room, naligo na ako dahil mamayang alas otso ay darating na ang magsusundo sa akin papunta sa Heaven(my bar’s name). Ipinatayo ko iyon isang taon na ang nakakalipas out of inis, dahil nalaman ko na may fiancee na ang aking mabait na kapatid. Bijj, he's just 23 at malapit na siyang magkapamilya! Samantalang ako? Heto, nakadikit pa rin ang mga paa sa pesteng confession ko noon sa kanya! "No! Wag mo nang isipin iyon Danaya dahil mai-stress ka lang," sabi ko sa aking sarili habang nagre-relax sa bathtub. Nagtagumpay naman ako na hindi i-entertain ang masamang pangitain na nag-aabang sa aking isipan. Alam niyo 'yon, 'yong bigla na lang lilitaw sa utak niyo 'yong embarassing o nakakalungkot na moment kahit hindi mo naman gustong maalala. Like, hello? Kung ano pa 'yong ibinabaon mo sa limot, 'yon pa 'yong nagre-retain sa utak. Makalipas ang mahigit dalawang oras na pag-aayos, charan! Ready nang pumarti ang dyosa! Wearing an elegant black backless knee-length dress paired with ankle strap high heels, I feel like I can rock this cocktail party tonight! It's exactly 8 in the evening no'ng marining ko ang busina ng sasakyan sa labas. Kinuha ko ang aking favorite designer bag from Chan--- I don't wanna state the brand because I don't want to brag about it. Like, you know naman na kung anong brand ang tinutukoy ko. So, inasikaso ako no'ng dalawang guard papasok sa sasakyan at gumora na kami. Tahimik lang ang lahat sa loob habang binabagtas namin ang kalsada. Nag-cellphone muna ako at nag-check kung may mga nangahas na gumambala sa aking social media accounts. "Oww, kapag sinuswerte ka nga naman talaga." Hindi ko mapigilang hindi mangiwi noong makita ang picture ng mahal kong Kuya kasama ang fiancee nito. Tsss, ang ganda-ganda ng aura ko tapos ganito ang bubungad sa akin pagkabukas ko pa lang ng fbook? Syempre, dahil kapatid ko iyon at bilang respeto, ni-like ko 'yong photo nila. Doon ko lang napagtanto na out of 1500 heart reactions, ako lang ang nag-iisang matinong nilalang na nag-like. Oh, 'di ba? Bida-bida ngayon ang account ko kapag chineck ni Kuya ang kanyang notification! Pasalamat nga siya dahil like iyon at hindi angry react ang pinindot ko dahil kung magiging honest ako sa aking sarili, aba! "Ma'am, kanina po pala ay pumunta 'yong kaibigan niyo. Pinapasabi niya po na hindi raw po siya makakadalo ngayong gabi," balita ni kuyang nagda-drive. Kumunot ang aking magandang noo dahil hindi ko kilala kung sinong kaibigan ang sinasabi niya. "Anong itsura niya, Kuya? 'Yong may malaking nunal ba sa ilong? Si Jammy?" tanong ko. "Opo, 'yon nga po, ma'am," mabilis nitong sagot. "Ahh! Oo, nagpaalam na rin iyon sa akin kanina. Ang sabi niya may lalandiin daw siya ngayong gabi kaya pass muna siya sa party. Hmfp! Ewan ko sa buang na 'yon! Magdadahilan na lang, hindi pa pinag-isipan. Hindi ba Kuya, magandang landian place ang bar ko? Oh, bakit hindi niya ayain ang jowa niya at doon sila sa bar ko maglandian, 'di ba?" maligalig kong tanong. Mabilis namang sumang-ayon 'yong tatlo ko pang kasama sa loob ng kotse. Nagbigay pa sila ng kani-kanilang opinyon. Kesyo siguro ganito-ganyan, ayaw lang talaga akong makita ni Jammy, gano'n. Iba mang-hype 'tong mga kasama ko, hehehehehe! Ilang minuto pa naming binash ang aking isa sa mga malalapit na useful friends na si Jammy bago kami tuluyang makarating sa aking napakaganda at eleganteng bar. "Salamat po," ani ko noong nakababa na ako. Gaya ng inaasahan, kaliwa't-kanang flash ng camera ang sumalubong sa aking kagandahan. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil isa akong dyosa. "Ma'am baka po madapa kayo," pambabasag na saway ni Kuyang umaalalay sa akin. Shutek! Dahil sa sinabi niya nagising ako sa katotohanan! Ngumiti lang ako ng pilit dahil na-weirduhan ata sila sa mga pinaggagagawa ko kanina. Wala naman talaga kasing sumalubong sa akin, at biro lang din ‘yong mga camera-camera na tinuran ko. "Good evening ma'am," magalang na bati ni Sir Josh, siya ang bouncer dito sa aking bar. "Good evening din sa'yo. Kumusta? Marami na ba tayong customer?" nakangiti kong tanong. Napakamot ito sa ulo at yeahhh! Alam ko na kung ano ang sagot. Tinapik ko ang kanyang balikat awkwardly bago pumasok. Though hindi naman na bago sa akin ang ganitong set up, kung saan halos walang tao sa loob kun'di ang aking mga staffs, ehhhh, nalulungkot pa rin naman ako kahit papaano. "Wag po kayong mag-alala, ma'am. Sisikat din po itong bar niyo," pangongomfort ni Kuyang alalay. "Salamat," matipid kong tugon. Kahit pa man mag-isa ulit akong iinom, masaya pa rin ako. Bago pa lang naman itong aking business, for sure naman kapag prinomote ko 'to nang bongga, ewan ko na lang. Baka dagsain ito ng madlang pipol! "Gaya ng dati, tapangan mo ah?!" ani ko kay Christine, ang aking bartender. Tumango ito kahit na may lungkot sa kanyang mukha. Sawa na ba siyang makita ang pagmumukha ko dahil simula't-sapul ako lang ang humihingi ng inumin dito gabi-gabi? "Ma'am, sure po kayong tataasan ko? Baka hindi niyo po kayanin," nag-aalalang tanong nito. "Ano ka ba! Bacardi lang naman iyan! Kaya ko 'yan, ako pa ba?" taas noo kong sagot. Wala na itong nagawa kun'di ang gawin ang aking inumin. Habang hinihintay ito, ninamnam ko muna ang masaya at malakas na tugtugin. "I don't want to see your face ever again! I hate you!""Ma'am, umalis na po si Sir kaninang madaling araw, dala niya po ang lahat niyang gamit." Hah! Why am I starting to reminisce those fucking memories? "Ma'am?" What a coward as*hole! He doesn't deserve my feelings, so why am I still get mad at him kahit na wala naman siyang paki sa akin? "Ma'am?" I fucking hate his guts! Sana hindi sila maging masaya ng fiancee niya! Tsk! Napaka-chaka naman! Mas maganda pa ang nails ko! "Ma'am Danaya!", " Huh?" bulalas ko. Oh shit! Masyado na namang occupied ang aking brain at nagawa na naman niyang maglayag sa alapaap. "Ayos lang po ba kayo? Kanina ko pa po kayo tinatawag," ani Christine. "Yah. I'm fine. Masyado lang malakas 'yong tugtog kaya hindi kita narinig. By the way, thanks for the drink!" Tumango si Christine at hindi na nagbalak pang magtanong. Aba! Hindi ko siya binabayaran para mang-usyoso. Pinagmasdan ko muna ang baso na may lamang bacardi bago ito lagukin. Yes, nilagok ko isahan. Taray no? Hahahahah! Napangiwi ako dahil sa tapang. Pagkalunok ko, humingi pa ulit ako kay Christine ng isa pa. Ng isa pa-- Ng isa pa-- Ng isa pa-- Hanggang sa hindi ko na alam kung nasaan ako. "Ma'am, nagri-ring po ang cellphone niyo," tawag nito. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya dahil umiikot ang paligid ko, pakiramdam ko nawalan ako ng pandinig sa kaliwang tenga at ang tanging narinig ko lang ay 'yong salitang ma'am. Umikot si Christine para lapitan ako. Hinagod niya ang aking likod tapos kinuha ang aking bag na nakapatong sa table. "Sasagutin ko na po, ma'am, ah? Baka po importante," paalam nito. Ano raw? "Isa pa-- Chrishtine. Nasaan na? Isa pa.", "Ma'am, sandali po, hello po, Sir? Opo si Christine po ito. Ano po kasi nandito po si ma'am Danaya sa---" Mabilis kong hinablot ang aking cellphone sa kamay niya tapos ako ang nakipag-usap do'n sa kung sino man ang nasa kabilang linya. "Hello? Shino 'to?", " Tsk, you're drunk." "Yesh. Shino ka ba? Jammy? Bakit mo ako tinakasan, huh? Alam mo namang hikaw lang ang nakakaushap ko tungkol sha mga hinanakit ko, right? Pagod ka na rin ba sa ugali ko? Hahahaha! F*ck you!" "Danaya. I'm not Jammy. I am Dion." "Huh? Dion? The as*hole Dion?" hindi makapaniwalang bulalas ko. Tumawa ito kaya tila umurong 'yong tama no'ng alak sa aking sistema. "Stay still, papunta na ako d'yan," ani 'ya bago ibaba ang tawag. "Krishtin, shino 'yong kausap ko?" "Si Sir Dion po, ma'am." Noong sumiksik sa utak ko na hindi nga ako nagkamali, ang walanghiya kong kapatid nga ang kausap ko kanina, para akong masusuka. "Sige na ma'am. Uminom na muna po kayo ng tubig dahil parating na raw po siya rito para sunduin kayo," ani 'ya sabay abot no'ng tubig. "Wait? What? Si Dion? Pupunta rito at susunduin ako?!" "Opo, ma'am." Pagkarinig ko no'n napasigaw ako nang malakas dahil sa inis, gulat, pagkasabik, saya, sakit, lahat-lahat na. NO WAY! JUST NO FUCKING WAY!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook