bc

Biktima

book_age16+
160
FOLLOW
1K
READ
second chance
dare to love and hate
drama
tragedy
gxg
office/work place
crime
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Sino nga ba ang biktima sa dalawang taong parehas nawalan? Masusukat ba iyon sa halaga o bilang ng nawala sa kanila?

Si Jessica, naulila sa magulang sa edad na labing walo. Namatay ang mga magulang niya dahil nabangga ng rumaragasang kotse. Hindi sila nabigyan ng hustisya dahil mayaman at maimpluwesya ang salarin sa nangyari kaya naman pagka-graduate niya sa high school ay criminology ang kinuha niyang kurso. Nais n'yang buksan ulit ang kaso ng magulang niya at gusto niya na s'ya mismo ang humuli sa pumatay sa mga ito.

Si Megan, anak ng isang maimpluwesya at mayaman tao. Halos na sa kan'ya na ang lahat pero hindi n'ya magawang sumaya dahil sa isang pangyayari na naging dahilan kung bakit parang ayaw na n'yang ngumiti o maging masaya. Hindi s'ya patahimikin ng nakaraan kahit anong gawin niyang paglimot.

Magtatagpo ang landas ni Jessica at Megan. Doon magsisimula ang pagiging malapit nila sa isat-isa hanggang maging isang pag-ibig.

Paano kung kailan nasa ayos na ang lahat doon nila malaman ang trahedya na nag-uugnay sa kanilang dalawa?

Kaya mo bang ipakulong ang taong mahal mo o kaya mo bang makulong para sa taong mahal mo?

Sino sa dalawang biktima ang mabibigyan ng hustisya?

Disclaimer:

Lahat po ng mababanggit tungkol sa pagpupulis ay hindi ko po alam kung tama o totoo. Galing lamang iyon sa aking malikot na pag-iisip na isinulat ko para sa magiging takbo ng istorya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Jessica
Isang buntonghininga ang pinakawalan ko bago isinara ang librong binabasa ko kanina. Saulado ko na ang lahat ng batas na nakasulat doon pero hanggang ngayon tengga pa rin ako rito sa bahay. Hindi pa rin kasi ako natatawagan simula ng magpasa ako ng requirements sa pag-a-apply bilang isang pulis. "Wala pa rin ba?" tanong ng tiyahin ko. Umiling ako at ngumiti ng bahagya kay Tita. "Wala pa po, Tita." Nahihiya na ako kay Tita. Isang dakilang palamunin ako rito sa bahay niya dahil wala akong trabaho. Noong malapit na akong grumaduate sa kurso kong criminology ay excited ako dahil sa wakas maibabalik ko na lahat ng tulong na ibinigay ni Tita, sa akin simula pa noong kupkupin niya ako hanggang ngayon. Siya na kasi ang nagpaaral sa akin at nagpalamun simula ng mamatay ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente. Iyon din ang dahilan kung bakit pagiging pulis ang tinapos ko kahit na hindi naman iyon ang pangarap ko noong maliit pa ako. Gusto ko kasing ako mismo ang humuli sa taong pumatay sa kanila. Napakuyom ako ng aking palad dahil sa pagkaalala sa nakalipas, eksaktong limang taon na ang nakakaraan simula ngayon. Napaangat ang tingin ko kay Tita, nang hawakan niya ang kamay ko at marahang hinaplos. "Bakit hindi ka na lang muna humanap ng ibang trabaho habang naghihintay ng tawag mula sa in-apply-an mo?" aniya na may munting ngiti sa labi. "Baka hindi lang talaga para sa'yo ang trabaho na gusto mong pasukin o maaari rin hudyat iyan na kalimutan mo na ang lahat. Subukan mong magpatawad hija." Magpatawad? Malabo! Paano ko papatawarin ang isang tao na hindi man lang nga humingi ng tawad sa kasalanang ginawa n'ya sa magulang ko? Na sa halip na sumuko ay nagtago sa palda ng kan'yang ina at binayaran lahat ng dapat bayaran kasama na ang batas. Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong iyon at sisiguraduhin ko na ako mismo ang maglalagay sa kan'ya sa kulungan. "Maghahanap po ako ng ibang trabaho pansamantala Tita, pero hindi po ibig sabihin niyon ay kakalimutan ko na ang goal ko sa buhay," magalang na sagot ko sa kan'ya. Si Tita, ay ang nag-iisang kapatid ng aking ama. Ulila na rin sila ni Tatay kaya sila lang talaga simula noon ang laging magkaagapay sa buhay. Sa edad niyang thirty three ay wala pa rin s'yang asawa o nobyo man lang. Hindi ko alam kung pihikan lang ba s'ya o dahil iniisip n'ya pa ako kaya hindi pa s'ya makalagay sa tahimik. Tumango si Tita sa akin at muling ngumiti. Tinapik n'ya rin ako sa balikat bago tumayo mula sa pagkakaupo sa aking tabi. "Maiwan muna kita, pupuntahan ko lang si Mrs. Cruz, sa kanilang bahay at magpapalabada raw. Sayang iyon kapag kumuha pa ng iba, eh, ang laki pa naman n'yang bumayad." "Sige po Tita, samahan ko po kayo," sabi ko at tumayo na rin. "Hindi na, ako na lang. Madali lang naman ang trabaho roon lalo na at machine naman ang ginagamit ko malimit," sabi niya habang pinapaupo ako ulit sa sofa. Hindi na ako nagpumilit pa, tutal hindi ko rin naman talaga s'ya mapapayag kahit magpumilit ako. Masyadong mabait si Tita, hanggat kaya n'ya ang trabaho ay siya lang ang gagawa dahil ayaw n'ya akong mahirapan. May regular naman trabaho si Tita. Regular s'ya sa pinapasukang pabrika at ngayon araw na ito ay day off n'ya kaya rumaraket naman s'ya sa iba. Pumunta ako sa k'warto at kumuha ng pera. Magpapa-xerox ako ng aking resume. Mag-a-apply muna ako sa iba habang naghihintay sa tawag sa akin sa pagkapulis na halos isang buwan ko na yatang hinihintay. Naiisip ko tuloy na mukhang tama yata ang mga sabi-sabi na kapag daw walang nagdala sa'yo sa mataas na tao ay mahihirapan ka talagang maging pulis. Mas mabilis daw kasi ang proseso kapag may kakilala kang pulis na magpapasok sa'yo sa departamento. "Oi! Jessica, anong atin? Maglalaro ka?" tanong sa akin ni Zyrell, nang pumasok ako sa computer shop nila. "Hindi. Sayang lang pera ko d'yan, wala pa nga akong trabaho," nakangiti na sagot ko, "Magpapa-xerox lang ako ng resume ko. Mag-a-apply muna ako sa iba." "Ah. Kala ko maglalaro ka na rin eh," sagot niya, "Akina, ilang copy ba?" "Lima lang. Tama na siguro 'yun, saka na lang ako magpapagawa ulit," sagot ko at inabot sa kan'ya ang resume ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid habang naghihintay matapos si Zyrell. Puno ang shop niya ng mga bata at binatilyo. Mukhang malakas ang negosyo niyang ito. Mabuti pa s'ya at kumikita na ng sarili n'yang pera hindi tulad ko. "Jess, ito na," aniya. Kinuha ko ang mga copy na iniaabot n'ya sa akin. "Thank you. Magkano?" "Huwag na. Libre ko na lang 'yan sa'yo," sagot niya. "Ngek! Bakit?" tanong ko. Nahihiya akong tumanggap ng libre. "Wala lang. Gusto ko lang na ilibre ka," natatawa na sagot n'ya sa reaksyon ko. "Kapag nagkatrabaho ka na saka mo ako bayaran. Ikain mo ako sa restaurant." Natawa naman ako. Ayaw n'yang kunin ang bayad ko para may dahilan s'ya na mailabas ako. Style n'ya rin talaga. Kilala kasi si Zyrell na bisexual dito sa amin. Kabi-kabila ang naging girlfriend at boyfriend n'ya. Maganda kasi s'ya at sexy. Babaeng-babae pa rin ang kilos pati pananamit, wala kang mababakas na kahit ano sa kan'ya na nagkakagusto s'ya sa babae kung hindi mo lang s'ya talaga kilala. "Sus! Iyon naman pala! Kaya naman pala may palibre ka ngayon, gusto mo pala akong i-date," biro ko sa kan'ya. Kita kong namula ang pisngi niya sa sinabi ko na parang nahihiya. Matagal na kasi s'yang nagpapalipad hangin sa akin pero hindi ko lang pinapansin, hindi dahil hindi ko gusto ang mga kagaya niya kundi ayoko lang lumandi pa talaga. "Sige, aalis na ako. Puntahan na lang kita kapag nagkatrabaho na ako, at idi-date kita," sabi ko sabay kindat sa kan'ya. Lalo tuloy namula ang pisngi niya. Ang cute n'ya tuloy lalo. Ngiting-ngiti ako habang naglalakad pauwi sa bahay namin. Natatawa kasi ako sa reaksyon ni Zyrell, sa sinabi ko. Halatang-halata talaga na may gusto s'ya sa akin. Iniisip ko tuloy na ano bang pakiramdam na magkagusto sa kagaya mo ng kasarian? Kagaya rin kaya iyon ng pagkakagusto sa opposite sex? Sa edad kong bente tres hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend man lang kahit isa. Hindi kasi iyon ang priority ko sa buhay. Nagkaka-crush naman ako pero hanggang doon na lang muna talaga iyon. Pagdating ko sa bahay kinuha ko agad ang walis tambo. Maglilinis ako ng buong bahay, tapos pagkatapos ay saka ako magluluto ng aming hapunan ni Tita. "General cleaning?" natatawa na sabi ni Tita, nang abutan ako sa paglilinis. "Hindi naman po Tita, bukas po kasi hindi ako makakapaglinis dahil mag-a-apply na ako," hinihingal pa na sagot. Nagbubunot kasi ako ng sahig. "Bakit ang aga n'yo po Tita?" Naupo si Tita sa sofa at sumandal doon. "Konti lang naman kasi 'yung labahin ni Mrs. Cruz, kaya madali akong natapos." "Eh, 'di ayos po Tita, same lang naman yata ang bayad ni Mrs. Cruz, kahit ganun?" nakangiti na sabi ko. Naupo ako sa tabi ni Tita habang nagpupunas ng pawis. "Oo, kaso nahihiya naman ako kapag ganun," sagot niya at pumikit. "Anong gusto mong ulam mamaya?" "Ako na lang po ang magluluto Tita, magpahinga na lang po kayo," sabi ko, "Kayo po ba anong ulam ang gusto n'yo, sinigang na baboy o adobo?" "Adobo na lang beh, lagyan mo ng sili para may konting anghang," sagot ni Tita makalipas ang ilang minuto kaya akala ko ay natutulog na s'ya dahil ang tagal sumagot, hindi naman pala. Mukhang pinag-isipan lang kung anong uulamin mamaya. "Magluluto na po ako Tita, pumasok muna po kayo sa k'warto ng makahiga kayo, tawaganin ko na lang kayo kapag tapos na ako," sabi ko nang tumayo ako. Tumango lang si Tita sa akin pero hindi naman kumilos para pumunta ng k'warto. Nagpunta na ako ng kusina at inihanda ang lulutuin ko. Kinuha ko ang karne sa fridge. Sobrang tigas na niyon kaya kumuha ako ng tubig at ibinabad ko doon ang karne. Mahirap kasing gayatin kapag ganung katigas. Kinuha ko ang kaldero at nilagyan ng dalawang gatang na bigas. Hinugasan ko iyon ng mabuti bago isinalang sa kalan. Pagkatapos magsaing tiningnan ko ang karne kung p'wede na bang gayatin. Medyo malambot na iyon kaya ginayat ko na ng pang adobo. "Hindi pa luto Tita," sabi ko sa tiyahin ko na nakaupo na pala sa harap ng lamesa namin. Hindi ko man lang namalayan ang pagpunta n'ya ng kusina namin kaya medyo nagulat pa ako. "Alam ko," aniya na medyo natawa sa reakyon ko. "Beh, timpla mo naman ako ng kape." "Okay po," sagot ko. Kumuha ako agad ng tasa at ipinagtimpla s'ya ng kape. "Thank you beh," sabi ni Tita, pagkalapag ko sa harapan niya ng tasa ng kape. Kaagad s'yang humigop doon habang may pagpikit pa na akala mo ay isa s'yang commercial model ng kape na iniinom niya. Natatawa ako habang pinapanuod si Tita. Feel na feel n'ya talaga ang pag-inom ng kape niya. P'wedeng-pwede na pang model. Maganda naman kasi si Tita. Madaming nagsasabi na magkamukha kaming dalawa, kaya malimit may magtanong sa amin kung magkapatid daw ba kami. "Tita, wala ka bang balak mag-asawa?" tanong ko. "Ha?" sabi ni Tita, na nasasamid-samid pa. Mukhang gulat na gulat s'ya sa itinanong ko sa kan'ya. "Sabi ko po kung wala ba kayong balak mag-asawa?" pag-uulit ko sa tanong ko. Nagpunas s'ya ng bibig gamit ang kamay niya. "Bakit naman bigla-bigla mong natanong iyan?" Nagkibit-balikat ako. "Wala lang po. Bigla ko lang iyong naisip habang pinapanuod kayo." Hindi s'ya sumagot sa sinabi ko at muling uminom ng kape. Napanguso tuloy ako dahil mukhang ayaw n'ya talagang pag-usapan ang tungkol doon. "Tita, ano na po?" pangungulit ko. Gusto ko dalagang malaman kung anong balak niya sa buhay niya o kung dahil ba talaga sa akin kaya hanggang ngayon single pa rin s'ya. "Bakit ba kasi?" nakasimangot na sagot niya sa akin. Alam ko na hindi s'ya galit. Gan'yan lang talaga s'ya kapag gustong umiwas sa topic, pero sorry hindi ko s'ya tatantanan ngayon. "Curious lang po ako," sagot ko, "Dahil po ba sa akin kaya hanggang ngayon single pa rin kayo?" seryoso na tanong ko. Tumingin sya sa akin ng seryoso na tila binabasa ako kung bakit bigla kong inungkat ang tungkol sa pag-aasawa niya. "Bakit mo naman naisip na dahil sayo kaya single pa rin ako?" balik tanong niya sa akin. "Wala po. Naisip ko lang na baka ako ang dahilan. Baka kasi wala kayong ipon dahil lahat napapunta na sa akin, sa pagkain at sa pag-aaral ko noon," sagot ko. Natawa sya sa sinabi ko bago dinampot ang kutsara na nakalapag sa ibabaw ng platito at inihampas sa noo ko. Napangiwi ako dahil doon. Hindi dahil masakit ang pagkagampas sa akin ni Tita, kun'di dahil malagkit iyon dahil sa kape. "Tita naman eh! Malagkit po kaya," nakangusong sabi ko bago hinigit ang damit ko para ipunas sa aking noo. "Buti nga sayo. Beh!" aniya at may paglabas pa talaga ng kanyang dila na parang bata. "Kung ano-ano kasing iniisip mo dyan." "Bakit nga po kasi? Sabihin n'yo na po kasi ang dahilan," pagpupumilit ko. "Hindi pa ako nag-aasawa dahil wala pa naman akong nagugustuhan sa ngayon," aniya. Duda ako sa naging sagot niya dahil hindi s'ya makatingin sa akin ng deretso. Parang may itinatago s'ya sa likod ng sinabi n'ya. "Weh?" sabi ko, "Baka naman po meron na pero hindi lang kayo nililigawan?" Hinampas n'ya ako dahil sa sinabi ko. Namumula ang mukha n'ya kaya feeling ko tama ako. "Gwapo ba Tita? Mayaman?" natatawa na sabi ko. "Hindi s'ya g'wapo," sagot niya sa akin. Napataas ang kilay ko dahil ang seryoso ng pagkakasabi niya niyon. "Ayos lang naman hindi g'wapo Tita, basta ba mamahalin ka at aalagaan___" "Maganda s'ya," pagputol n'ya sa sinasabi ko. Maang naman akong napatingin sa kan'ya dahil nagulat ako sa narinig ko. "Babae ang gusto ko, beh. Kaya until now single pa rin ako," seryosong sabi n'ya sa akin. Wow! Big revelation! Hindi ko iyon napaghandaan. OMG!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook