CHAPTER 1.5

2105 Words
KEISHA LOREEN Habang tahimik kong pinagmamasdan ang mga litrato ng dalawa kong anak dito sa photo album, hindi ko mapigilang hindi maluha. Parang kailan lang, nakikibaka ako para mabuhay sa Saint Augustus, tapos ngayon, may sarili na akong pamilya kasama ang pinakamamahal kong tao. I can't imagine living a sweet life sa lahat ng kasalanang nagawa namin, sa lahat ng pinagdaanan naming hirap before. Masasabi ko ngayon na wala na akong mahihiling pa kun'di ang lumaki ang mga anak ko ng normal. Hindi ko kaya at hindi ko ma-imagine na habang buhay silang nakakulong sa paralang iyon dahil natatakot ako na kutyain at husgahan sila ng mga tao. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makatanggap ako ng tawag mula sa unregistered number. Kaagad ko itong sinagot dahil baka galing ito sa laboratory sa US ngunit isang hindi inaasahang surpresa pala ang maririnig ko mula a malayong kaibigan. "Hello? Is this, Keisha Loreen Hernandez?" magalang nitong tanong. "Uhm, yes? Who is this?" mabilis kong tanong. "This is Shane Anabelle. Remember me?" Noong malaman ko ang ngalan niya kulang na lang tumayo ako sa tuwa. "Fudge! Shane?! Is that really you? Oh my gosh! Kumusta?" maligalig kong tanong. "Eto, sa awa ng Diyos, nasa maayos namang kalagayan." Hindi matigil ang ngiti sa aking mukha dahil sa labis na gulat. "B-Bakit ka napatawag? Mabuti't na-contact mo ako." "Ayun nga, mabuti na lang. Keisha, napatawag ako kasi may hihingiin sana akong mabigat na pabor sa iyo. Sana naman mapagbigyan mo ako," ani 'to. Tila nabagabag ang aking puso no'ng marinig iyon. Well, kung tungkol lang naman sa financial eh walang problema. Pero hindi naman siguro naghihirap ngayon si Shane dahil galing siya sa mayamang pamilya. "Of course, as long as kaya ko. Ano ba iyon?", "Ano kasi, nag-away kasi yo'ng anak ko at si Dylan, kong pwede d'yan na muna siya tumuloy hanggang sa humupa lang ang galit ng asawa ko. Magpapadala naman ako ng pantustos niya d'yan. Talagang hindi ko ko lang alam kung saan siya pwedeng ipagkatiwala, since nasa malayong lugar ang pamilya ko tapos 'yong mama at papa ng asawa ko ay patay na," mahaba nitong lintana. Saglit akong natahimik dahil matagal na panahon na pala ang nakakalipas noong makita ko ang anak ni Shane. "Keisha? Nand'yan ka pa ba?" tanong nito. "Uhm, oo naman! Walang problema sa akin 'yon. Isa pa, tamang-tama dahil 'yong bunso kong si Elijah ay naghahanap ng babaeng kapatid at kinukulit nga ako na gusto niya ng baby sister. At isa pa, wag ka nang mag-abal pa dahil sagot na naming lahat ang gastusin ng anak mo. By the way, saan pala siya nag-aaral? Sa Saint Augustus din ba?" tanong ko pabalik. Saglit na nanahimik si Shane, tila nag-iisip siya kong ano ang isasagot sa'kin. It took 5 seconds bago siya nakapagbitiw ng salita. "Actually, na-kick-out siya ngayon sa school na ina-attend-an niya. Kong pwede sana, pwede pa ba siyang pumasok sa SAA?" nag-aalinlangang tanong nito. Sinagot ko siya nang mabilis at sinabing anytime eh welcome ang anak niya. Exclusive naman ang SAA para sa mga junakis ng mga former student. "Nga pala, pasabi na lang din sa anak mo na maghintay na lang sa labasan, ah? Kasi meron na namang modus na kumakalat ngayon," babala ko. Totoo naman 'yong sinasabi ko, hindi sa gusto ko siyang takutin. Last time may nabalitaan kaming nagahasa at pinatay na minor de edad na babaena taga dito sa subdivision. For sure, nabiktima siya ng mga manyakis na taxi driver. "Gano'n ba? Sige, by the way, Keisha, maraming salamat, ah," huling tugon nito bago mamatay ang tawag. Oww men, low batt na ang cell phone ko. "Honey, sino yo'n? Si Xen na naman ba? Tsk, schedule niya ba ngayon? May date kayo ng g*go?" sunod-sunod na tanong ni Kamatayan. Alam niyo, hanggang ngayon peste pa rin 'tong hunghang na 'to. Ang tanda-tanda na nagseselos pa rin kay Xen! Kinasal na kami't lahat-lahat 'di pa rin sila magkasundong dalawa. "Eh, kong sapakin kaya kita ngayon? Nang malaman mo kung ano ang sagot? Si Shane lang 'yong tumawag at nakikiusap na kung pwede dito muna tutuloy ang anak niya," ani ko. Pagkasambit ko no'n tila natanggalan ng tinik sa lalamunan ang peste at nakangiting naglambing. Ngayong mag-asawa na kami, talagang hindi niya ako tinatantanan araw-araw. Hindi ko nga alam kung ahas ba siya o pusa dahil grabe kung makalingkis 'tong bwesit na 'to. "Sorry, akala ko si Xen na naman, eh. Gimme a kiss para mawala selos ko, bilis," paglalambing ng kumag. "I'll give you everything you want hindi lang kiss kapag sinundo mo 'yong anak ni Shane sa labas. Bilisan mo," paghahamon ko. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at pagka-excite. Psh, bwesit! Kahit kailan talaga! Napakamanyak! "Come on, totoo ba 'yan? We're going to play later?" hindi makapaniwalang tanong nito. Mabilis akong tumango tapos ginawadan siya nang mabilis na halik. "Aww, you're so mean! You're teasing me already!! How can I go now! I want my reward! Mamaya ko na susun—" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil binigyan ko siya ng suntok sa sikmura. "Aalis ka? O patutulugin kita sa labas?" banta ko. Kumalas na ito sa pagkakayakap 'saka ipinakita ang susi ng sasakyan. "Alright, alright! Walang bawian 'yan Keisha, ah! We're not going to sleep!" maligalig na sigaw nito. "Shut up! Kapag narinig ka ng mga anak mo!" ani ko habang pinandidilatan ito ng mata. Isang kindat ang ibinato nito bago bumaba sa hagdan tapos masayang naglakad palabas ng bahay. Pagkalabas no'ng kumag, isang malambing na tawag ang pumukol sa aking atensyon. I saw my bunso rushing towards my direction tapos kaagad ako nitong niyakap. "Mommy!!" palahaw nito. "Ohh, what's wrong, baby? Bakit ka umiiyak?" alalang tanong ko. Kinarga ko ito 'saka pinunasan ang luha a kan'yang mata. "Mommy, si Kuya Phobos inaway ako!" sumbong nito. Dahil sa kan'yang sinabi, naningkit nang bonggang-bongga ang aking mga mata. Naku! Talagang batang yo'n! Manang-mana sa akin! Kahit sino eh pinapatulan! "Don't worry baby, papaluin yo'n ni mommy, okay? Manood ka na muna ng Peppa Pig kasi pagsasabihan ni mommy si Kuya," ani ko. Mabilis itong tumango, kaya ibinaba ko na siya't dali-daling pumasok sa kaniyang kwarto. At ngayon, harapin na natin ang pasimuno ng lahat. Naglakad ako patungo sa kwarto ng aking panganay at nakapameywang kong kinatok ang kan'yang pinto. "Phobos, can we talk anak?" tawag ko. Naghintay ako ng mga ilang segundo bago ako nito pagbuksan. Bagong gising ang aming Prinsipe at talagang wala pa siyang saplot pantaas. "Bakit wala kana namang suot, ah? Nakatodo 'yang aircon mo, hindi ka ba nilalamig? Anak , magkaksakit ka sa ginagawa mo. Ako ang malilintikan ng Papa mo," ani ko. Hindi ito kumibo, instead, inakay niya ako papasok sa room tapos pinaupo. Sows, hindi mo ako madadaan sa paganito-ganito. Alam mong nandito ako para sermunan ka. Manang-mana kay Kamatayan. "Why? Is there something—" Hindi ko na pinatapos pa sa kaniyang sasabihin dahil binigyan ko kaagad siya ng isang sapok sa bumbunan. "Bakit mo naman inaway ang kapatid mo? Dadalawa na nga lang kayo tapos gaganunin mo pa?" sermon ko. "He's at fault mom! Sinabi ko lang naman sa kan'ya na wag akong guluhin dahil natutulog ako, but he jumped on me kanina!" iritableng pagdedepensa nito. "Ehhh, hayaan mo na, alam mong 7 years old pa lang 'yang kapatid mo, pagbigyan mo na lang." Hindi ito sumagot tapos humiga nang muli sa kama niya pero nakaharap pa rin sa'kin. Aba, dapat lang. Kinakausap ko pa siya kaya wag niya akong tatalikuran. "Sa susunod, kausapin mo nang maayos ang kapatid mo nang hindi umiiyak. Naiintindihan mo ba?" ani ko. Labag sa loob itong sumang-ayon kaya naman tumayo ako't ginawadan ito nang mabilis na halik sa noo. "Mom, don't casually come near me. Alam mo namang malapit na mag full moon. Ayaw ko---" "Shhhh, enough, Phobos. I'm okay, walang mangyayaring masama sa'kin kaya wag kang mag-alala. Sige na," pamumutol ko at tumayo na. "Keisha! Keisha!" Kaagad akong napakaripas ng takbo palabas nang marinig ang malakas na sigaw ni Kamatayan. Tangan-tangan ang walang malay na katawan ng isang babae, I guess siya na 'yong anak ni Shane. Tumakbo ito pataas para ipakita sa akin ang duguan niyang katawan. I mean si Kamatayan 'yong duguan, at hindi 'yong babae. "Anong nangyari?" nag-aalang tanong ko. "Muntik na siyang mabiktima no'ng kumakalat na modus ngayon," sagot nito habang habol-habol ang kaniyang paghinga. Inutusan ko itong iakyat muna ang dalaga sa bakanteng kwarto para makapagpahinga. Wala namang natamong sugat ang dalaga pero itong si Kamatayan ay meron. Puno ng dugo ang kaniyang kamao at hindi ko alam kong sa kan'yang dugo o do'n sa lalaking muntik nang makapambiktima. "Phobos, open the f*cking door!" sigaw ni Kamatayan. Pagpasensyahan niyo na ang asawa ko, gan'yan lang talaga siya magsalita. Alam niyo naman ano? Nabasa niyo naman na sa book 1, talagang bastos ang dila niya. "Phobos! I said open the f*cking door! Magbibilang akong tatlo! Kapag hindi mo binuksan ang pinto, I'm going to—" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang napakagwapo naming anak. "Come on, Son, sa susunod bilisan mo," ani Kamatayan at nagmamadaling pumasok sa kwarto ng anak niya. Tinapik ko sa balikat si Phobos, dahil naguguluhan ito ngayon kong ano ang nangyayari. "I'll explain to you later, anak," sabi ko. "What? Why later? Pwede namang ngayon? Who's that girl? And bakit niyo siya dinala dito sa kwarto ko? Mom? Dad? Get rid of her! Do'n niyo na lang siya dalhin sa kwarto ni Elijah," pagmamaktol niya. Tinaasan ko ito ng kilay para manahimik dahil hindi ko siya tinuruan nang ganiyan. Tsk, kong hindi ko lang anak 'to baka kanina pa siya bumulagta sa sahig. "She's my friend's daughter. And from now on, she will stay here hangga't gusto niya. And I'm expecting, Zchick Apollo , na you will be kind to her, are we clear?" sabi ko na may halong pagbabanta. Pinalabas ko muna ang mag-ama sa kwarto dahil bibihisan ko ang babae. Hindi ko kasi alam kong anong pangalan niya kaya babae muna tawag ko sa kanya. "Oww, nice tattoo," bulong ko, habang pinagmamasdan ang ilang tattoo nito sa katawan. May mga galos din ang braso niya, which means she fought for her life. Woah, I kinda like her— She looks brave and beautiful. I hope, we can have a daughter like her. Nga pala mga mare, bago ko pa makalimutan, 'yong taxi driver na muntik nang gumahasa sa anak ni Shane ay napatay ni Kamatayan. Binihisan ko siya nang mabilisan, dahil mag-aalas dose na ng hatinggabi. Sinigurado kong nakakandado ang pintuan nong babae para hindi makapasok si Phobos kapag umatake na ang sakit nito. May open wounds pa naman ang dalaga kaya mahirap na. "Tulog na ba si Phobos? Si Elijah?" tanong ko kay Kamatayan. Tumango lang ito sa akin at nagpakawala ng bumuntonghininga. "Hon, I'm sorry," mangiyak-ngiyak na tugon ni Kamatayan. Niyakap ko ito nang mahigpit dahil ramdam ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya. Kahit ako masakit ding makitang kinukulong ang mga anak ko tuwing lalabas ang buwan.Hindi naman naming ginustong mangyari 'to. Walang may gusto ng lahat. "Ssshh, wag mong sisihin ang sarili mo Hon. Alam kong malalagpasan din natin 'to. Makakahanap tayo ng gamot para sa mga anak natin. Para sa mga mag-aaral ng SAA," malumanay na bulong ko. Kumalas na ako sa pagkakayakap dahil kailangan ko ng puntahan si Phobos para bigyan ito ng dugo. "Last na 'to, Hon." Tumango ako sa kan'ya at ginawadan ito ng halik. Binuksan ko ang pintuan at hinintay ang pagtapat ng kamay ng relo sa numero ng 12. Nanatili akong nakatayo, at tahimik na pinagmasdan ang bagong gising kong anak. Anak ko pa nga ba siya sa mga oras na ito? Kahit nakapikit ang mga mata nito dire-diretso itong naglakad papunta sa direksyon ko. Alam niya ang amoy ng dugo ko, alam niya rin kong saan ako nakapwesto. Kahit gusto kong sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon ay pinilit ko na lang manahimik dahil ayokong magwala si Phobos. Ayaw kong matunugan niya ang boses ko dahil, mahihirapan lang siya sa kakapigil sa sarili niya na wag uminom ng dugo mula sa'kin. Bumaon sa balat ko ang pangil nito at matagumpay na nakasipsip ng dugo mula sa aking leeg. Naiiyak ako hindi dahil sa sakit. Naiiyak ako hindi dahil every full moon nawawalan ako ng dugo, kun'di, naiiyak ako dahil hindi ko kayang titigan ang mga anak ko na nasa gan'tong sitwasyon. Kong may gamot lang sana sa mga sakit nila, gagawin ko ang lahat mapagaling lang ang mga anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD