INTRODUCTION

1065 Words
IKINASA ng isang lalaking may suot na itim na jacket ang hawak na kwarenta de kalibreng baril. Mabibilis ang mga lakad nito na tila nagmamadali patungo sa likod ng lumang bodega habang nilalagyan ang hawak na baril ng silencer pagkuwan ay hinawakan ang earpiece sa loob ng tainga. "Situation Victor?" mahinang tanong niya habang isinisiksik ang naturang baril sa likuran ng itim na maong na pantalon. "Ready sir!" Inayos niya ang itim na sumbrero bago tumingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan. "Echo, Romeo, Oscar?" "Ready sir!" sagot ng tatlo. "Men, wait for my signal." "Yes sir!" sabay na tugon ng lahat. Apat niyang tauhan ang nakapalibot sa itaas ng gusali. Nilisan niya ang kinaroroonan at humakbang palayo subalit natigilan nang biglang may marinig na mga yabag. Wala sa loob na napatingin siya sa kanyang itim na sapatos bago hinugot ang baril mula sa likuran. Ilang dipa ang layo nang makarinig ng pagkasa ng baril sa kanyang likuran. Kumabog ang kanyang dibdib sa nakaambang panganib. Iglap siyang humarap kasabay ng pagtutok ng dulo ng baril sa kanyang dibdib ng kalaban, subalit ang kanyang baril ay nakatuon sa noo nito. "Traydor!" asik nito sa kanya. "Nagkakamali ka!" Mariin niyang tugon. "Sinungaling! Narinig ko ang usapan niyo gago!" "Seguridad 'yon para sa grupo!" Sigurado siyang papatay ang kaharap at hindi ito maniniwala. Itinutok niya ang tingin sa kamay nitong unti-unting kinalabit ang gatilyo. Pumutok ang baril. Ngunit walang nakarinig dahil sa silencer na kanyang ginamit. Inunahan niya ang lalaki bago bumalik sa kinaroroonan ng amo kausap ang mga intsik. Nasa mahigit singkwenta katao ang naroon. Trenta sa loob at ang iba ay nagbabantay sa labas. "Parating na boss, sampung minuto na lang," anang kanang-kamay ng amo. "Good," tanging sagot ng kausap. Hinihintay nila ang pagdating ng produkto galing ibang bansa mula sa mga intsik bilang supplier dahil ang kanilang amo ang buyer. Ang negosyo nito ay nagbebenta ng mga smuggled items. Ngayon ang pinakamalaking transaksyon. Ilang sandali pa, dumating ang limang track na wing van. Ito ang pinakahihintay nila. "Marco, secure the area," utos ng kanilang amo sa kanang- kamay nito. Agad naman itong tumalima at umalis kasama ang sampung tauhan. Ang kanilang amo ay tiwalang-tiwala sa kanang-kamay nito hanggang sa puntong hindi nito alam ang pinagagawa ng tauhan sa likuran nito. Binalingan siya ng amo. "Dave, check it." "Yes boss," agad siyang sumunod sa utos at lumapit sa mga sasakyan. Pinagkakatiwalaan din siya ng amo dahil noon ay iniligtas niya ito sa tiyak na kapahamakan. Ang trak ay tinatawag na wing van, unti-unting bumuka ang dingding at humantad ang nasa loob. Sinuyod ng kanyang tingin ang mga nakikitang kargamento. May mahahabang baril at mga nakabalot na mapuputing powder sa cellophane, kahit hindi niya alamin ang loob, sigurado siya kung ano 'yon. "Kumpleto boss," aniya. Tumango lang ang amo. Napansin niyang tila may kakaiba rito na para bang may pinangangambahan. "Ayos ka lang boss?" Muli itong tumango. Maya-maya pa ay nag-abot sa gitna ang dalawang grupo para magbayaran. Binuksan niya ang hawak na attaché case. "Mr. Tang, it's worth one million US dollars," anang kanyang amo. Ngumiti ng malapad ang lalaking kausap na kasing tanda ng kanyang amo. "Thank you Mr. Mondragon. " "Always welcome Mr. Tang." Nagkamayan ang dalawang matatanda hudyat na tapos na ang usapan. "Let's go boss," wika niya at tumalima ang amo at sabay silang lumabas. "Patay na si Simon sabi ni Marco bilisan natin baka i double cross tayo ng kabilang panig." Binilisan nito ang hakbang. "Anong nangyari boss?" "May bumaril sa kanya." Natahimik ang binata. Ngayong napag-alaman na nito, delikado na sila. Kung sakaling i double cross nga sila sisiguraduhin niyang ligtas ang amo kahit pa ikapahamak niya. Napansin niyang silang dalawa lang ang nasa labas ng ware house. Nang makalayo na sila ay nilingon niya ang naturang gusali kung saan papalabas ang mga taong naka tuxedo mula roon. Nang walang anu-ano ay biglang sumabog ang mga trak sa loob ng warehouse! Nagulantang ang lahat at nagtakbuhan. Nanigas ang kanyang amo. Inilabas niya ang baril. "Dito tayo boss!" Tumakbo siya patungo sa parking area kung nasaan ang kotse kasunod ang amo. Naglabasan ang ilang mga nakaligtas sa pagsabog ngunit sinalubong ng bala na nagmumula sa itaas ng gusali. Naalarma ang lahat ngunit hindi alam kung sino ang kalaban. "Anong nangyari!" Halos namumutla ang amo sa takot. "Double-cross boss!" Pagdating sa kotse, bubuksan niya sana ang pinto nang makarinig sila ng pagkasa mula sa likuran nila. "Sinasabi ko na nga ba ikaw ang traydor!" Sabay nilang nilingon ang nagsalita, nakatutok sa kanya ang de kalibreng baril nito. "Marco anong sinasabi mo?" Asik ng kanilang amo. "Boss umalis ka na rito!" Nagtiim ang bagang niya. "Siya ang traydor boss. Pinapatungan niya ng sampung porsyento ang halaga ng kargamento," mariin niyang wika. "Ano? Dalawang daang milyon!" Hinablot ng amo ang baril na hawak niya. "Sinungaling!" sigaw ni Marco kasabay ng pagbaril nitong dumaplis sa kanyang tiyan. Subalit nabaril si Marco at humandusay sa malamig na sahig. Ngunit hindi ang amo niya ang nakabaril ganoon pa man binaril din nito ang tauhan at iniwang wala ng buhay. "Let's go!" wika ng amo at binuksan ang pintuan subalit dagling natigilan nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran. Lumingon ito at ganoon na lang ang takot nang makita ang nakatutok na baril sa ulo nito. "A-anong ginagawa mo?" sigaw nito sa takot. "You are under arrest!" Itinulak ito ng binata papasok ng kotse at saka tinabihan. "Hayop! Ikaw ang traydor!" Sumilay ang ngiti sa kanyang labi pagkakita sa nagmamaneho na siyang bumaril kay Marco. "May sugat ka sir!" anito at pinaarangkada ang sasakyan papalayo sa lugar. "Daplis lang," tugon niya at sinulyapan ang katabi. Pinindot niya ang earpiece sa loob ng tainga. "The target is secured!" aniya sa mga kasama. "I repeat the target is secured!" "Copy Captain!" tugon ng lahat. Takot at galit ang nakahantad sa mukha ng amo na ngayon ay target na. "Hayop ka Villamayor!" Sigaw ng kanyang amo. Tumawa ang kaibigan niya at alam niya ang ibig sabihin ng tawang iyon. Kinuha niya ang duct tape sa compartment. at inilagay sa bibig ng bihag maging sa mga mata. "A-anong gagawin mo?" Hindi siya sumagot saka inilagay sa bibig ng kanilang bihag at ipiniring sa mata. Pumalag ito subalit wala ring nagawa. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na jacket at tinawagan ang hepe. "Villareal situation?" "Mission accomplished sir!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD