Episode 1 The Bodyguard

4296 Words
Mariin niyang tinitigan ang apat na lalaking nakapalibot sa mapa na nasa mesa. "Bukas ng gabi ang pinakamalaki nating misyon. Hindi tayo dapat pumalpak sa misyong ito, iisa lang ang target natin at dapat buhay, kahit anong mangyari dapat buhay naiintindihan niyo?" "Yes sir!" sagot ng apat. Hinarap niyang muli ang mapa at may itinuro. "Alam ko ang pasikot-sikot ng warehouse. Pupuwesto kayo sa apat na sulok ng gusaling ito, tatlong daang metro ang distansiya nito sa warehouse. Apat lang kayo at tig-isa ng pwesto palibutan ninyo ang warehouse sa apat na sulok nito. Kapag nagkagipitan nakahandang ang Bravo team bilang back up natin." Tumango ang mga ito. "Hindi tayo aatake nang harapan at hihintayin niyo ang signal ko. Paglabas ko kasama ang target humanda kayo 'pag nilingon ko na ang gusali saka ninyo papasabugin. Hintayin ninyo ang signal ko. Ang magiging huling usapan natin ay tatanungin ko kayo kung nakahanda na kayo sa pwesto ninyo at wala ng mag-iingay." Tahimik ang lahat habang nakikinig. "Maraming bantay sa labas ng warehouse, kapag pinasabog na ang  sasakyan saka ninyo isunod ang mga bantay sa labas. Hindi nila alam kung sino ang kalaban unless i double cross ng katransaksyon nila. Kahit anong mangyari huwag ninyong babarilin ang target isasama ko siya sa kotse." Binalingan niya ang kaibigan. "Vince kapag nagkagulo na pumasok ka sa kotse ko saka mo kami hintayin ng target. Bantayan mo para makasiguradong ligtas." "Yes sir!" "Greg ikaw sa kanan, Ryan ikaw sa kaliwa, Esiah sa harapan at ikaw Vince sa likod. Bibigyan ko kayo ng name code bawat isa." Tumayo siya ng tuwid at mariing tinitigan ang apat. "Kayo lang ang pupunta para walang makahalata. Pero nakasunod ang back up sa inyo. Huwag kayong mag-alala gagawin ko ang lahat para walang mahalata ang kalaban." Walang umimik sa kausap niya. "Matagal nating pinag-aralan ito at matagal na rin nating hinintay ang pagkakataong ito." Tumango ang apat habang nakaharap sa kanya. Naaawa siya at natatakot dahil apat ka tao lang ang aatake sa ilang batalyong kalaban. Subalit hindi niya hahayaang mapahamak ang mga ito. "Are you afraid Alpha team?" matigas niyang tanong. "NO SIR!" sabay na tugon ng lahat. "ARE YOU READY ALPHA TEAM!" "YES SIR!" Tiniklop niya ang laptop at tumayo sa loob ng silid ng kanyang tinitirhan.  Sa computer lang sila nag-uusap dahil hindi pwedeng makipagkita sa tauhan niya.  Tumunog ang cellphone niya at mabilis na sinagot nang makita kung sino ang tumatawag. "Villareal, are you ready?" "Yes sir!" "Hindi kaya mapahamak ang tauhan mo niyan kakaunti lang kayo?" Hanggang ngayon nangangamba pa rin ang kanilang head sa desisyon nila at naiitindihan niya 'yon. "Sir, mas kakaunti mas walang maghihinala. Pangatlong transaksyon na ito sa iisang warehouse sir at wala namang masamang nangyayari sa kanila. Walang maghihinala sir bagamat mas hihigpit ang seguridad." "Sige, ipapasunod ko ang Bravo team sa inyo gaya ng sabi mo kung kailangan niyo ng back-up." "Thank you sir." Huminga ito ng malalim. "I trust you Villareal do your mission and comeback alive understood?" "Yes sir!"  Alas syete ng gabi, patungo na sila sa lokasyon habang sakay ng kotse at katabi siya ng kanyang amo sa likuran ang kaliwang kamay nito ay katabi ng driver. Nakasunod sa kanila ang anim na kotse. "Bakit parang dumami ang gwardya?" tanong nito sa kanya. "Additional security lang boss," tugon niya. Tumango-tango ito. Nilingon niya ang pinakahuling sasakyang itim na nakasunod sa kanila. Naroon ang kanyang mga tauhan at hindi iyon pinagdududahan ng kanyang amo, ito ang maganda sa pinagkakatiwalaan walang maghihinala. Hindi nila basta-basta mapapasok ang lugar dahil mahigpit sa seguridad ang kanyang amo sigurado siyang may nakabantay na sa gusali ngayon. Ang pinakamaiging gawin ay isabay niya ang kasamahan. Ito na ang isa sa pinakamalaki niyang misyon kaya dapat paghandaan ng husto. Sunod-sunod na nagsibabaan ang lahat pagdating nila sa lugar. Binalingan ng kanyang amo ang lalaking nasa kaliwang bahagi nito. "Marco, call Mr. Tang, tell him we're here." "Yes boss," agad itong tumawag. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Lahat ng kanyang nakikita ay tauhan ng kanyang amo, wala ang back-up. Tiningala niya ang paligid ng gusali at sinuyod ng tingin ang bawat sulok ng bawat bahagi. Napakadilim ng paligid ngunit alam niyang may nagmamasid sa bawat sulok nito. Ilang sandali pa dumating na ang kausap nila. Nagkamayan ang kanyang amo at ang ka transaksyon nito. Abala ang lahat sa pakikipag-usap kaya pa simply siyang pumunta sa gilid na may malaking sementadong poste sapat upang maikubli siya. Nang matiyak na walang nakapansin ay kinausap niya sa earpiece ang mga kasamahan at pinahintay ng kanyang signal. Akala niya walang nakapansin subalit may isang lalaki ang nakikinig kaya't hindi niya pinalagpas. Hindi nagtagal ay dumating ang limang sasakyang may laman ng kargamento. Inutusan siya ng amo na tingnan at busisiin ang nilalaman at kasabay ng kanyang pagbusisi ay ang pagdikit ng bomba sa gilid ng trak. Sinuyod niya ang limang sasakyan at pinagdidikitan. Sa oras na pindutin ni Esiah ang detonator sabog ang lahat. Nang magbayaran ay sinigurado niyang silang dalawa ng kanyang amo ang mauunang lumabas para ang matira ay mauubos. Paglabas nila ay nilingon niya ang gusali kasunod ng pagsabog. Inilayo niya ang target patungo sa likuran subalit naroon ang kanang kamay nito at binaril siya na tumama sa tagiliran ganoon pa man ay binaril din ito ng kanyang kaibigan. "The target is secured!" aniya nang makapasok sa kotse kasama ang kanyang amo na siyang misyon nila. Panay ang ingay ng kanyang amo kaya tinakpan niya ng duck tape ang bibig at mata nito. Nilagyan niya rin ang sugat niya sa tagiliran. Kasama ang nagmamanehong kaibigan ay nakalabas sila sa lugar. "Mission accomplished sir!" sagot niya sa tawag ng head. Habang nasa byahe ay bigla na lang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. "Dapa!" Hinila niya ang batok ng target at pinayuko kasabay niya. Walang tigil ang pamamaril at nagtatalsikan ang bubog ng salamin dahil sa balang tumatama. "Bravo team we need back up! May sumusunod sa amin!" "Yes sir!" sagot nito. Paekis-ekis ang takbo ng kanilang sasakyan upang makaiwas sa naglilipanang bala. Panay pa rin ang pamamaril ng kalaban kaya inilabas niya ang kamay sa gilid ng bintana saka gumanti. Ilang sandali pa may namamaril na sa sumusunod sa kanila kayat nakalayo sila ng husto dala ang target. Kagaya ng kanyang sinabi nagtagumpay sila. Kagaya ng utos ng kanilang head bumalik siyang ligtas. Lahat ng kasamahan niya ay ligtas na nakauwi may mga nabaril at nasugatan subalit ang lahat ay buhay. --- "DISQUALIFIED, NEXT!" Lumapit ang isang lalaki sa kanyang mesa pero hindi man lang niya tiningnan at nakatuon pa rin ang paningin sa hawak na folder at binabasa. Name: Liam Galves Status: Single Age: 25 Company: Chain restaurants Position: Owner Background... Tumikhim ang lalaki kaya naagaw nito ang atensyon niya. "Ilang taon na?" tanong niyang hindi pa rin nakangin dito. "Twenty five," sagot nito. Sinuyod niya ito ng tingin mula paa hanggang ulo. "Ilang taon na ang negosyo niyo?" "Ano? Pati ba naman 'yan itinatanong mo?" "Alam mo ba o hindi?" "Natural alam ko!" "Ilang taon na?" "Thirty years" Napatingin na siya rito. Matangkad ang lalaki, may porma, may itsura at mukhang mayaman. 'Kung thirty years na at every year naglalagay ng branches meaning thirty branches?' "Ilang taon bago kayo nagdadagdag ng branch?" "What?" "Ilang taon bago kayo nagdadagdag ng branch?" "Damn!" Narinig niya ang pagmumura nito pero hindi niya pinansin. "Hindi mo alam?" "Every six-months!" 'So sixty branches lahat' Muli niyang pinagmasdan ang lalaki na ngayon ay hindi na maipinta ang itsura. Halata na ang pagkayamot sa mukha nito. Napailing siya masama na ang anyo nito nagtatanong pa lang siya? "Disqualified, next!" "Bullshit! Ano ba 'to job interview? Akala ko ba naghahanap ka ng mapapangasawa!" Tiniklop niya ang binabasa at hinarap ito. "Mr. Galves, tinatanong pa lang kita nagagalit ka na? What more kung maging tayo na? I bet seloso ka kahit wala sa lugar at hindi ko kailangan ang tulad mo at isa pa mas bata ka kaysa sa akin at ayoko ng gano'n. " Mahinahon niyang wika. "I can't believe this!" "Then believe it." Tumalim ang tingin nito. "Another thing is mahina ang inyong negosyo sixty branches with in thirty years? Nasa middle class ka lang." Kumuyom ang kamao ng lalake. Nang akmang susugod ito ay sinalubong ng apat niyang bodyguards na nakahanda lagi. "Hindi ko alam na imbestigasyon pala 'to ng investment. Nagkamali ka yata ng hinahanap miss Lopez baka investor ang kailangan mo!" mariin nitong wika bago umalis. "Next!" Nang aktong lalapit na ang isang lalaki, itinaas niya ang isang kamay. "Break muna tayo," aniya. "Ha? Hindi pa nga naging tayo mag bi-break na?" Napangiti siya sa narinig. "Pangalan mo?" "Zyrus Martinez" "Ayaw mo no'n atleast na break ka ng tulad ko Mr. Martinez?" Pagdating ni Ellah sa bahay ay nakita niyang nanonood sa telebisyon ang kanyang lolo. "Timbog ang tinatayang may isang bilyong umano'y droga at mga mahahabang armas-" "Lolo," lumapit siya rito at nagmano. Tumayo ito. "Mabuti dumating ka na. Totoo bang nag pa audition ka ng puro mga lalaki?" bungad ng lolo niya pagkarating niya ng tirahan. "Yes lolo para madaling maghanap." "Ano? Kalokohan, o may nakita ka ba?" Umiling siya. "Iyon ang sinasabi ko nagsasayang ng panahon!" Nilapitan niya ito at umupo sa kaharap na sofa ang lolo naman niya ay nakaupo sa wheel chair nagkasakit  ito matapos maaksidente. Gumaling na ito sa pagkaaksidente subalit hindi pa nakakalakad. "Lolo, naisip ko lang na gumawa ng gano'n kasi malay mo may magustuhan ako." "Kahit na, nakakahiya sa mga nakakakita." "Pinakamabilis at pinakamabisang paaran ang paghahanap lolo. " "Pinakamabilis lang pero hindi pangmatagalan." "At isipin niyo naman nasa isang daan ang pumunta isang araw lang 'yon gano'n karami ang suitors ko," iminuwestra niya ang kamay habang nagpapaliwanag. "Pero wala kang napili kahit isa!" Hindi na lang siya kumibo para hindi na humaba pa. "May iba po akong problema tungkol sa mga bodyguards ko." "Anong problema?" "Gusto kong palitan sila." "Hindi maaari, sila na ang pinakamagaling!" "Kesa naman matatakot ang makakakita? Nangingilag ang mga oa na kliyente." "O sige na maghahanap ako para matahimik ka na." "I need it tomorrow lolo." "What? Ellah, isang linggo akong naghanap para sa apat na 'yan!" "Isa lang pero katumbas ng apat na 'yon!" "Ano? Hindi gano'n kadaling makahanap ng..." "Kapag nakakita kayo bukas pag-iisipan ko ang pag-aasawa." "Alex come here!" tinawag nito ang kanang kamay. Napangiti si Ellah. "Bakit po don Jaime?" "Nakikita mo ang taong 'yan?" itinuro nito ang isang lalaki sa screen. Hindi naman niya nakita ng malinaw dahil nasa malayo siya. "Opo" "Gusto kong siya ang magiging bodyguard ng apo ko." Napailing siya. Pinanood lang sa tv kukunin na. Hindi naman siya interasado kung sino man 'yon ang mahalaga mukhang tao ang bodyguard niya. Naalala niya kung paano matakot ang mga kliyente sa apat niyang gwardya. "Ms. Lopez, I am so thankful that we finally signed the contract as your supplier but, seeing your guards like goons might affect your career as a business woman." Wika ng lalaking kausap niya noon sa isang coffee shop. Minsan naman sa opisina niya. "Nakakatakot ang mga gwardya mo, ang lalaki at naku hija mukhang mga goons eh? Iyon bang nakikita kong mga kontrabida sa pelikula. May mga tattoo pa parang adik." "Mabait naman po sila," nakangiti pa ring sagot niya. "Ah gano'n ba? Hindi halata." Napabuntong-hininga si Ellah. Kaya ngayon kumikilos na siya. Sa edad na twenty eight masasabi ng dalaga na kuntento na siya, siya na kasi ngayon ang general manager ng kanilang kumpanya. Mayaman siya, matalino at maganda, nasa kanya na ang lahat ano ba pa ang hihilingin niya? Lalaki? Sagabal sa kanyang buhay at trabaho ang ganoong bagay, kapag nag-asawa siya marami na ang bawal sa mga mata nito, mag-aaway sila at ma stress siya paano na ang kumpanya?  'Hindi ko itataya ang isang lalaki para sa isang libong trabahante!' Kumakain sila nang muling mag-usisa ang kanyang lolo. "Kumusta ang meeting niyo ng kliyente?" "Kinansela ko muna lolo hindi naman po 'yon minamadali." Natigilan ito at hinarap siya. "Bakit anong ginawa mo?" Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagkain. "Sino ba ang may pakana ng pag-audition na 'yon? Nasayang ang panahon mo nagpa cancel ka pa ng meeting para lang doon." "Ayoko po kasi ng ideya niyong match making date. Isa pa hindi 'yon audition, hiring 'yon ng mapapangasawa." "Ewan ko sa'yo Ellah at ano 'yong nakalagay sa tarpaulin?" "WANTED HUSBAND" Araw ng sabado at nagpasyang pumunta ni Ellah sa mall upang makapamili ng mga kailangan. Ayaw niyang iutos sa mga katulong ang mga personal na pangangailangan. Matapos makapamili ay ginabi si Ellah nang umuwi. Masayang nagkukwentuhan ang mga ito habang nagbabyahe. Siya naman ay tahimik lang habang nakaupo sa likuran. Ang driver at ang apat na gwardya niyang mukhang goons ang kasama niya sa sasakyan. Ayaw na niyang gumamit pa ng ibang sasakyan para lang sa mga gwardya dahil kahit sila pa ang pinakamakapangyarihan sa lugar ay ayaw niyang ipangalandakan 'yon sa iba. Mas simply mas tahimik. "Malapit na tayong mag-isang buwan ah? Wala pa ba tayong increase?" anang isa sa mga gwardya niya. Tumaas ang kilay niya sa narinig. "Tumahimik ka nga Lando," saway ng leader. "Totoo naman ah? Sa yaman ni don Jaime dapat buwan-buwan ang increase ng sahod natin." "Ms. Ellah, pagpasensiyahan niyo na po ang kabulastugan nitong si Lando." "Gusto ko sanang gawin 'yon ang kaso natatakot ang mga kliyente ko sa inyo." "Ha? Bakit Ms.?" gulat na tanong ni Claudio.  " Eh kasi, mukha raw kayong goons dahil sa mga itsura ninyo." "Iyon lang po ba? Mag-aahit kami ng balbas, " masiglang tugon ni Waldo. " Malalaking tao raw kayo ang lalaki ng inyong mga katawan. " " Magpapapayat kami!" sagot ng leader na si Homer. Nagkatawanan sila. " Mabuti pa itong si Mang Jude payat siguro ang laki ng sahod mo Mang Jude ano? " si Lando. "Hindi naman masyado," nangingiting tugon ng tsuper. Malapit na ngang mag-isang buwan ang mga ito at kahit papaano ay natutuwa naman siya sa serbisyo ng mga ito, lalo na kay Homer na talagang seryoso at pinakamatino sa lahat.  Ngunit ngayon ay nais ng mga ito na tumaas ang sahod. "Nakakahiya kayo!" saway ni Homer. "Mabuti na lang mabait itong amo natin at hindi pa tayo pinalabas ng sasakyan." "Ay pinakamabait sa buong mundo ang amo natin hindi ba Waldo?" ani Lando. "Tama!"  "Kaya magpapayat lang tayo ayos na ang buto-buto!" hiyaw ni Lando. Binatukan ito ni Homer.  "Aray ko po!" busangot si Lando habang hinihimas ang ulo. "Pinakamakapal ang balat mo nasasaktan ka?" Nagkatawanan sila. Napapangiti siya habang nakikinig sa mga ito kung ano ang mga dapat gawin upang pumayat. Natatawa lang siya.  " Hindi ako kakain sa gabi," si Lando. " Dadamihan ko ang almusal at hindi  kakain sa tanghali," si Claudio. "Mag-eexercise ako para pumayat!" ani Waldo na siyang may pinakamalaking katawan. "Ang kaso Waldo mas lumalaki ka kapag nag-ehersisyo ka!" ani Homer. Nagkatawanan ang mga ito. "Kapag hindi kayo pumayat walang dagdag," aniya pa. Sabay-sabay na umangal ang mga ito at siya naman ang natawa. Subalit biglang natahimik ang mga ito. "Bakit?" nagtataka niyang tanong. "Ms. Ellah," ang driver ang sumagot na patingin-tingin sa likuran. Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?" "Parang may sumusunod sa atin!" may kalakip ng pangamba sa boses ng tsuper. "Ano!" Naalerto ang apat na gwardya at ikinasa ang mga baril na hawak. Biglang nagpreno kaya muntik na silang mapasubsob. Huli na para maghanda sa nakaambang panganib dahil ang nakasunod na itim na sasakyan ngayon ay nakaharang na sa kanilang harapan. "Ms. Kahit anong mangyari huwag kayong bababa!" matigas na utos ni Homer. Inangat niya ang tingin at gano'n na lang ang kanyang pamumutla sa nakita. Naglabasan ang limang kalalakihang nakatakip ng itim na maskara sa mga mukha at tinutukan sila ng mga armas. Nahintakutang napahiyaw si Ellah. "BABA!"  Malakas na singhal ng isa sa mga nakamaskara habang nakatutok ang baril nito sa kanila. "Ms. Kapag sinabi kong dapa, dumapa ka lang naiintindihan niyo?" "O-oo, oo!"  Kumakabog ang dibdib niya sa tindi ng takot ngunit pinilit niyang magpakatatag. "ILABAS NIYO ANG BABAE AT WALANG MANGYAYARING MASAMA SA INYO!" Malakas na sigaw ng isa sa mga lalaki. Namutla ang dalaga. Nagkatinginan ang apat saka nag senyasan na buksan ang pinto. Pagbukas ng pinto ay sumigaw ang leader. "DAPA!" Kasabay ng kanyang pagdapa ay ang sunod-sunod na putukan. Nagpapalitan ng nakakarinding putok ang mga kalaban at ang mga gwardya niya habang nasa loob ng sasakyan. "Diyos ko tulong!" hiyaw niyang nagtatakip ng mga tainga at napapaiyak na habang nakasubsob sa sahig. Pagkalipas ng ilang sandali natigil ang putukan. Unti-unti niyang inangat ang paningin at saka nakitang nakahadusay ang mga kalaban subalit nang ibaling niya ang paningin sa mga gwardya ay napaiyak ang dalaga. "Homer!" lumuhod siya at niyugyog  ang gwardyang naliligo ng dugo habang nakahiga sa malamig na semento. Unti-unti nitong idinilat ang mga mata. "Ms...Ms. Ellah, salamat at ligtas po kayo." "Homer!" "U-umalis na po kayo... maraming salamat sa lahat Ms. Ellah." "Hindi! Homer!" niyugyog niya ang balikat nito. Lumalabas na ang dugo sa bibig ng gwardya at halos pumikit na ito habang naghahabol ng hininga subalit hindi nakaramdam ng pandidiri ang dalaga bagkus ay naiiyak siya sa takot at awa. "Pakisabi kay don Jaime maraming salamat sa... lahat." "Homer hindi huwag! Tataasan ko ang sahod ninyo mabuhay ka lang pakiusap homer!" Marahan nitong hinawakan ang kanyang braso na puno ng dugo. "Patawarin niyo kami Ms. Ellah baka hindi ka na namin ma protektahan pa." Naiiyak ang dalaga habang umiiling. "Tulong! Tulungan niyo kami!" Sa kailaliman ng gabi ay nagsisigaw si Ellah. "M-Ms. Ellah..." Nanlaki ang mga matang binalingan niya ang driver nila. "Mang Jude!"  "Ms. Ellah! Umalis na tayo!" "Hindi! Dalhin natin sila!"  "Ms. Wala na po tayong oras baka balikan po tayo ng kaaway!" Tinulungan siyang makatayo ng driver at naging sunod-sunuran na lang siya rito. Ang apat niyang tagapagbantay ay nakahandusay sa semento at wala ng buhay ay iniwan nila. Tinabla ng mga ito ang kalaban upang iligtas siya. Pagdating ng mansyon ay agad siyang sinalubong ng don. "Ellah? Diyos ko! Anong nangyari?" Nanlalaki ang mga mata ng don habang nakatingin sa kanyang itsurang duguan. "Lolo... Lolo wala na po sina Homer!" Napahagulgol na siya. Maagap namang inyapos ng don ang mga braso at niyakap ng mahigpit ang apo. Si Mang Jude ang nagpaliwanag sa nangyari. "PUNYETA! SINONG MAY KAGAGAWAN NITO!" Walang nagawa ang dalaga kundi ang umiyak. Kinakain siya ng matinding kunsensiya dahil siya ang dahilan kaya namatay ang mga ito. Buong linggo na hindi pumasok sa trabaho ang dalaga dahil sa takot. Ni hindi niya nagawang pumunta sa burol ng mga gwardya upang makiramay tanging si don Jaime lamang. Binigyan nila ng sapat na pinansyal upang panggastos ng pamilya sa pagpapalibing ng apat niyang gwardya. Halos mag-iisang buwan na hindi siya pumasok sa trabaho dahil sa trauma. At sa loob ng isang buwan ay napag-alaman nilang kidnap for ransom ang nangyari sa kanya nang hindi naman bigating tao sa lipunan. Mabilis nagawaan ng paraan ni don Jaime ang kaso at naipakulong ang may pakana. Ngayong mag-iisang buwan na ay unti-unti na siyang naka recover sa takot. At kailangan na niyang pumasok sa trabaho dahil hindi na niya alam ang mga nangyayari. Tanging ang Presidente lang ng kumpanya ang nag rereport sa kanila tuwing pinapapunta ito ng kanyang lolo sa mansyon. "Maganda naman po ang takbo ng negosyo pero may kaunti lang tayong problema don Jaime." "Ano 'yon?" siya na ang sumagot. Bumaling ang tingin ng dalawa sa kanya. Tumabi siya sa kanyang lolo na nakaupo sa sofa kaharap nito ang Presidente. "Ms. Ellah, Chairman, hindi natin nakuha ang BMG dahil tinaasan ni Mr. Garcia ang porsyento ng produkto nila." "Ano? Bakit daw? Maayos ang usapan namin noon!" Hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses dahil sa narinig. May ginawa silang kontrata ng may-ari ng kumpanyang BMG na si Mr. Garcia bilang supplier nila. Pinakamataas na kalidad ang produkto nito at nagkukulang na sila bukod pa sa hindi masyadong dekalidad ang produktong nakukuha nila. "Huwag kayong mag-alala gumagawa na kami ng paraan upang makausap muli si Mr. Garcia," anang Presidente. "Bakit Mr. Go, ano bang ginagawa ninyo?" "Sa ngayon ay mayroon pa tayong natirang produkto iyon lang muna ang isusuply natin sa-" "Paano kapag naubos?" putol niya sa sasabihin nito. "Ano titigil na rin tayo sa pag susuply?" "Hindi naman sa gano'n Ms." "Mr. Go, kayo ang pinagkakatiwalaan ni lolo sa kumpanya pero parang hindi mo nagagawa ng maayos ang trabaho mo!" singhal na niya sa may edad na lalaki. "Ellah!" sita ni don Jaime at tiningnan siya ng matalim. "Dapat na yata akong pumasok lolo. Ako ang kausap ng BMG ako ang dapat tumapos." Naglaho ang galit ng don at napalitan ng pag-aalala. "Kaya mo na ba?" "Opo, bukas na bukas din ay papasok na ako." Hinarap ni don Jaime ang Presidente. "Mr. Go, maraming salamat sa pagpunta, makakaalis ka na." Tumayo ang lalaki at yumuko.  "Sige po don Jaime, Ms. Ellah, natutuwa akong babalik ka na sa kumpanya." Binalingan nito ang don. "Aalis na po ako Chairman." Pagkaalis ng lalaki ay nagharap sila ng lolo niya. "Kung talagang desidido kang bumalik sa kumpanya, kailangan mo ng bagong gwardya." Tumiim ang titig ni Ellah sa kawalan. "Sa pagkakataong ito gusto kong isa na lang, siya na lang din ang driver ko kung pwede. Ayaw ko na ng maraming kasama." Naaalala niyang muli ang apat niyang gwaryda, ang mga pagpapatawa ng mga ito sa tuwing magkakasama sila. "Naiintindihan ko, huwag kang mag-alala, hahanap ako kagaya ng nais mo." "Salamat po." Kinabig siya ng matanda at niyakap. Ipinikit niya ang mga mata at gumanti ng yakap. --- "Makakaasa po kayo Don Jaime." Dinig ni Gian ang sinabi ng kanilang head habang papasok siya sa opisina nito. Pinapatawag siya ng head nila at hindi niya alam kung bakit. Namataan siya ng amo. "O, nandiyan ka na pala Gian, pumasok ka." Tumuloy siya sa loob at namataan  ang isang matandang kaharap ng kanilang head kasama ang isang lalaki na nasa likuran nito. "Ipinapatawag mo raw ako sir?" "Oo, Gian si Don Jaime Lopez, " pakilala ng kanilang head. Hinarap niya ang matanda. "Good afternoon don Jaime," bati niya at bahagyang yumukod. Hindi ito sumagot at sa halip ay binalingan nito ang taong nasa likuran. "Alex!" Nagtaka siya na sa halip sa tumawag ito lumapit ay sa kanya ito palapit. Napansin niyang nakatingin lang naman ang kanilang head. Tumayo siya ng tuwid at inihanda ang sarili sa kung ano man ang binabalak nitong gawin. Nagharap sila ng tinawag na Alex at nagkatitigan. "Matibay ka ba?" tanong ni Alex. Hindi siya sumagot. 'Huwag kang magkakamali brad baka maihatid kita sa ospital.' Isang lakad pa nito bago pabiglang ipinitik ang likod ng kamao nito sa kanyang dibdib. Hindi siya nagulat ni hindi siya natinag. Siguro dahil sanay sila sa gulatan, noong training nila bigla na lang may maninipa o kaya ay mananapak kaya nasanay siya. "Matibay nga!" anang matanda na napatango-tango. Napatingin siya sa head nila na nakatingin pa rin sa kanya. "Isa pa Alex!" Utos ng don. Umatras ito ng tatlong hakbang bago may dinukot sa likuran at itinutok sa kanyang noo. Baril 'yon na kwarenta 'y singko. Ni hindi siya kumurap nang makita ang dulo ng baril tatlong hakbang ang distansiya. Isang kalabit lang nito tiyak ang kamatayan niya. Nakita niyang unti-unti nitong kinakalabit ang gatilyo. "Any last word?" Tanong ng lalaki. Mariin niyang tinitigan ang lalaking tumututok ng baril. "Maraming salamat sa pagdalaw ninyo don Jaime, " pormal niyang tugon. Kinalabit nito ang gatilyo ngunit hindi pumutok at hindi man lang siya kumurap. "Pasado, kukunin kita!" anang matanda. "Sabi ko sa inyo don Jaime, hindi kayo nagkakamali na dito kayo humingi ng tulong." Nagkamay ang head nila at ang don. "Maraming salamat sa'yo Chief Romero!" "Best asset dito 'yan pero dahil kayo ang humingi ng tulong ipagkakatiwala ko sa inyo ang asset namin." Pinalapit siya ng head at tinapik sa balikat. "Gian, simula ngayon, kay don Jaime ka na magtatrabaho." Lumipad ang tingin niya sa lalaking muntik ng pumatay sa kanya. "Ah, mukhang hindi ko pa nasasabi sa'yo, Gian ang babantayan mo ay ang apo ni Don Jaime." "Ha!" Doon na siya nagulat. "Yes Gian, ikaw lang mag-isa ang kukunin ko kaya sana..." "Sandali lang ho sir," binalingan niya ang head. Tumikhim ang Don " Lalabas muna kami Chief. " "Sige ho Don Jaime. " Nang makalabas ang dalawa ay hinarap niya ang head. "Naka leave lang ako sir bakit pinaalis niyo na ako?" "Pansamantala lang naman 'to kailangan lang ni Don Jaime kahit isa lang daw kaya napili kita." Sanay na nga siya sa mga surpresahan pero hindi ganito, talagang nasurpresa siya. "Hindi niyo sinabi sir!" "Pasensiya na biglaan naman kasi ang pagbisita nila isa pa tamang-tama dahil naka leave ka lang sabi ko naman hindi ka rin magtatagal at pumayag naman siya." Huminga siya ng malalim. "Alam mo naman na malaki ang utang na loob natin sa Don na 'yon kaya sige na pagbigyan mo na." Napailing siya. "Bakit may ginawa pang gano'n hindi na lang ako dinerekta," muli siyang napailing. "Sinubukan ka lang pero sabi ko naman magaling ang kukunin nila kaya siguro ginawa ang gano'n sa'yo. Pagbigyan mo na ha? Pansamantala lang hanggat wala pa silang nakitang kapalit mo." Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon. Pansamantala lang naman. Dinala siya ng don sa mismong tirahan ng mga ito. Nakakalula ang kayamanan ng mga Lopez kitang-kita 'yon sa gara ng mansyon. Umupo sila dahil ipinatawag pa nito ang apo na siyang babantayan niya raw. Ilang sandali pa may babaeng bumaba mula sa hagdan. Napako ang mga mata niya sa napakaganda nitong mukha. Kahit walang kolorete sa mukha at walang suklay. Naka shorts lang ito at sleeveless na pambahay pero daig ang isang artista o kaya ay modelo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD