Episode 2 The Price

2654 Words
Napapalunok siya ng hindi niya namamalayan. "Gian, mukha lang 'yang tupa pero mag-iingat ka tigre 'yan," bulong ng matanda. Natatawang napapailing ang binata saka muling pailalim na sinulyapan ang dalaga. Nang tuluyan na itong makalapit ay nagsalita ang matanda. "Gian, ito nga pala ang unica hija ko, si Ellah." Tumayo siya at yumuko bilang pag-galang. "Good evening Ma'am." Sinalubong nito ng pagtaas ng noo at tikwas ng kilay ang kanyang pagyuko. "Ma'am? Ms. Ang itawag mo sa akin." 'Wow taray nasampulan agad ako!' Dahil sa sinabi nito ay mas lalo siyang yumuko. "Hija, si Gian Villareal, siya na ang pinakamagaling na nakuha ko. Nag-iisa lang 'yan pero katumbas ng apat." Dahil sa sinabi ng don ay itinaas niya ang mukha at tumayo ng tuwid para ipakitang tama ang lahat ng sinabi ni don Jaime. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. "Okay na lolo, mukha naman siyang tao." 'Ano raw?' "Ah, Gian pagpapasensyahan mo na ang apo ko ganyan talaga 'yan prangka kung magsalita." "Okay lang po," magalang niyang sagot. Ang totoo gusto na niyang sapakin ang apo nito. Umupo ang dalaga sa tabi ni don Jaime. "Okay, ganito ang set-up dito, driver bodyguard ka niya, pero sa oras lang ng trabaho, kung hindi na at nakauwi na siya rito. Pwede ka na ring umuwi o kung gusto mo naman may bakante pang kwarto doon sa guardhouse." "Hindi na po, salamat." "Siya nga pala kami na rin ang mag provide ng uniform mo." Napalingon siya sa don. "Uniform po?" "Oo, kasi sa kumpanya lahat ng bodyguard dapat presentable, tuxedo lang naman." "Okay po sir." "Okay, o hija ikaw naman ang kumausap, sa labas lang ako." "Sige po." Nang makalabas na ang matanda ay lumipat ito ng upuan paharap sa kanya at nagdekwatro tumambad sa kanyang paningin ang napakaganda nitong binti. "Mr. Villareal, ilang taon ka na?" "Thirty." "May asawa?" "Wala." "Anak?" "Lalong wala." "Girlfriend?" "Wala rin, noon meron wala na ngayon." Huminga ito ng malalim saka siya pinagmasdan. "May itsura ka naman, you are perfect! You're hired!" Napangiti siya, "Thank you." "You can start tomorrow, by seven a.m. sharp, I need you to be here," anang dalaga at tumayo na. Tumayo na rin siya, nauna itong naglakad kaya nakikita niya ang ganda ng hubog ng katawan ng dalaga. 'Talaga namang nakakatakam!' "Mr. Villareal," anang dalaga at biglang huminto. "Yes Ms. Ellah?" Napakislot ang binata at muntik ng mabunggo sa likuran nito. Bahagyang lumingon si Ellah pero hind ito nakatingin sa kanya. "Are you watching my back?" "Ha?" nalito ang binata. "I don't want a liar, paano kita mapagkakatiwalaan sa malaking bagay kung sa maliit ay nagsisinungaling ka na? So I'll ask you again, are you watching my back?" Napabuga ng hangin si Gian. 'Aminan na 'to hindi baleng makatikim ako ng sampal ngayon!' "Yes" mahina niyang tugon habang nakayuko. "Good!" "Ha?" "At least you tell the truth! But next time, don't do that or else I'll fire you understood?" "Yes Ms. Ellah." Tuluyan na itong lumabas. "Hoooh! Muntik na ako doon ha?" --- Kinabukasan. "Good morning Ms. Ellah," maaliwalas niyang bati sa dalaga. Nagtaka ang binata dahil nakasuot ito ng makapal na eyeglass, nagmukha itong matanda, samantalang siya naka shades ng itim nagmukha siyang bata. "You're on time," sabay sulyap sa kanyang mukha. "Mas nagmukha kang tao, kagabi kasi mukha kang probinsiyano," wika ng dalaga habang papalabas ng bahay at nasa pasilyo sila. 'Talaga naman! Hindi mo ba alam na pinaghirapan ko ang itsura ko ngayon?' "Kayo rin naman Ms. Ellah may itsura din," nungkang sasabihin niyang nakakatulo laway ang ganda nito! "I don't need any flattering words dahil alam ko na 'yon matagal na!" Muntik ng matawa ang binata. 'Talagang napakayabang!' Nang makarating sila sa kotse ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat at dahil nakaandar na ito malamig na sa loob, binalot niya ng pabango ang buong loob ng sasakyan kaya imposibleng hindi nito 'yon mapapansin. Pero habang nasa biyahe sila hindi man lang ito nagsasalita. 'Manhid talaga.' Maya-maya ay may tumawag na dito. "Yes, Mr. Garcia, I'll be there in thirty minutes." Saglit lang ito naman ang tumawag. "Make sure papayag 'yong supplier, bakit tayo irereject ng mga 'yan without valid reason?" Unti-unting nakakakuha ng ideya si Gian. 'Sino kaya 'yong mangre-reject sa kanila?' Muli na naman itong tinawagan. "Tell the client to wait, magsusuply tayo gaya ng hinihingi nila, basta pigilan niyo ang pag cancel nila sa kontrata! Gagawa ako ng paraan!" tumaas na ang boses ng dalaga. Ilang sandali pa tumahimik na ito at pumikit. Sinulyapan niya ito. 'Napakarami palang obligasyon nito tapos babae pa tsk.' Maya-maya lang nakarating na sila sa sinasabi nitong restaurant. Wala itong sinabi kung ano ang gagawin pero tiyak siyang may kakatagpuin itong kausap ayun na rin sa pagkaintindi niya. At ngayon, obligado na niya itong gisingin. Pero nakita niyang tumabingi na ang suot nitong eyeglass kaya inayos niya at nagising ito. "What are you doing?" sabay tulak ng malakas sa kanya. "Inaayos ko ang eye glass mo." "I'm fine! Don't ever touch me!" Napabuntong-hininga ang binata habang binubuksan niya ang pinto sabay lahad ng kamay. "What's that?" sabay ng pagkunot ng noo. "Helping you?" "I can handle my self hindi ako lumpo, bukod do'n ayoko ng physical attachment between us understand?" wika ni Ellah habang bumababa. Hindi siya umimik. "You must three steps away behind me, without watching my back, just talk if I ask, no comments no suggestions no questions!" Muli ay hindi siya umimik. Papasok na sila sa restaurant habang may kausap ito sa cellphone nang bigla itong matapilok at muntik ng matumba. "Ayyyy! Shit!" "Watch out!" Mabilis niyang nahawakan sa braso ang amo at agad itong itinayo bago pa man ito matumba. Dumapo ang tingin nito sa kamay niya kaya mabilis niya itong binitiwan. "It's not my fault," paglilinaw niya. "I know!" Ayaw nitong mahawakan pero ayaw rin niyang makitang matumba ito dahil lang sa sarili nitong rules. 'Clumsy rules!' Wala silang imikan sa loob. Pero hindi naman niya maitatangging nararamdaman niya pa rin ang lambot ng balat ng dalaga. --- Naghintay si Ellah sa kliyente habang umiinom ng juice. Lumipas ang dalawampung minuto wala pa rin ang kausap. Naiinis na siya. Mas lalo siyang naiinis dahil sa sinabi ng marketing manager sa cellphone kanina na aatras daw ang sinusuplayan nilang planta kapag hindi nakapagsupply ng target amount. At ngayon ay hinahabol niya ang nagsusuply sa kanila ng produktong isusuply rin nila sa nasabing planta at may problema rin. Malapit ng maubos ang iniinom niya ay wala pa rin ito. Ibig sabihin late na ito ng dalawampung minuto! Mas lalo siyang nayamot at tinawagan na ang kliyente. "Mr. Garcia, sir where are you?" "I'm sorry Ms. Lopez but I have a very important appointment, can we cancel it?" "What? I'm in the venue right now Mr. Garcia!" tumaas na ang boses ng dalaga. "I'm very sorry." "I won't take any rejection from you, baka nakakalimutan niyong may pinirmahan tayong kontrata? Kung hindi ka darating it simply means tuloy ang usapan!" "No! hindi ako pumapayag!" "Kung ganon, pumunta ka, I am willing to wait!" Ini-off niya ang cellphone. Saka naman niya napansin na pinagtitinginan na siya ng iba pa. Inayos ng dalaga ang sarili, sinulyapan niya si Gian na prenteng nakaupo habang nagkakape sa 'di kalayuan. Tinawag niya ito at pinaupo sa kanyang tabi. Mas mabuti ng dalawa silang pagtitinginan. Dumating ang kanyang inorder na pananghalian at doon niya ibinuhos ang pagkabanas, gigil niyang hinihiwa ang beef steak sa plato na naglilikha ng nakakangilong ingay. Tahimik namang kumain ang kanyang katabi. Saka ang pagpasok ng isang lalaki at dumeretso ito sa kanilang kinaroroonan. "Ms. Lopez!" Umangat ang kanyang tingin at tumayo. "Mr. Garcia, I'm glad you came," inilahad niya ang kamay nang walang kangiti-ngiti. "Of course," tinanggap nito ang pakikipagkamay niya ng pormal ang mukha. Umupo ito kaharap niya. "You want anything?" "I'm fine," umorder lang ito ng inumin. "I go straight to the point sir, bakit ninyo itinaas ng doble ang presyo ninyo?" Ito ang dahilan kung bakit nayayamot siya sa kliyente bukod pa sa paghihintay dito ng kay tagal. "Naisip ko kasing makakaya niyo 'yon dahil 'yong iba naman kaya ang ganyang presyo." "Paano kung hindi namin kaya?" "Pwede ikansel na lang natin ang kontrata?" "I can't do that Mr. Garcia, aaminin kong ang produkto ninyo ang kailangan ko at hindi ko 'yon makikita sa iba. Kaya mo ba itinaas dahil naisip mong hahabulin ko kayo?" "Ikansel na lang natin, malaki ang lugi ko sa naisip mo." "Kung ganon bakit ngayon mo lang ipa cancel dapat sana noon pa para makapaghanap ng iba! Sa ginawa niyo, nagipit ako kaya hindi ako papayag na iaatras mo!" "Huwag na natin 'tong patagalin, maghanap na kayo ng iba!" "Kaya kong tanggapin kung itataas mo hanggang eight percent pero twelve ang gusto mo at hindi ko 'yon kaya." "Eight? Nagbibiro ka ba Ms. Lopez. Nakakatawa!" "Pwes hindi ako natutuwa Mr. Garcia!" "Then I think this meeting is over!" akmang tatayo na ito. "Mr. Garcia!" "I have an appointment, wala na tayong kontrata walang pilitan." "Magsasampa ako ng reklamo, hindi ko 'yon ginawa dahil gusto ko ng maayos ito!" "Double the prize or nothing?" Napanganga ang dalaga. Hirap na hirap siyang magdesisyon. 'Ano ba ang dapat kong gawin? Napakalaki ng malulugi sa amin kung tatanggapin ko, ganon din kung hindi dahil mag ka kansel ang planta!' "I am waiting Ms. Lopez!" Napayuko ang dalaga. 'Diyos ko!' "Kung ganon aalis na ako," tumayo na ito. Kaya napatayo din siya. "Mr. Garcia! Wait sir!" Hinabol niya ito, pero tuloy-tuloy na talaga itong umalis. Malaking dagok ito kapag nagkataon! Kahit magmakaawa pa siya ayos lang. Muli siyang humakbang para sundan ito pero may pumigil sa kanya. "Ms. Kung papayag ka ako ang kakausap sa kanya." "Ha?" Tiningnan siya ng derekta ni Gian sa mga mata. "Magtiwala ka ibabalik ko siya rito." Tumango siya hindi niya maintindihan kung bakit napapayag siya ng kanyang gwardya. Pero umaasa siyang magtatagumpay ito dahil kung hindi mapapahiya siya sa mga opisyal ng kumpanya. Gagamitin ng mga ito ang pagkakataon para mapabagsak siya. Marami ang hindi nagtitiwala sa kanyang kakayahan dahil isa siyang babae at nagkataong apo lang ng may-ari. Kaya hanggang ngayon pinapatunayan niya ang kanyang sarili sa lahat bilang apo ng chairman na siyang magmamana ng kumpanya. Bata palang siya nang mamatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang car accident.  Simula noon, ang kanyang lolo na ang nag-aruga sa kanya. At dahil nag-iisa siyang apo wala itong ibang maasahan kundi sya. At dahil pinakamamahal niya ang kanyang lolo, ibinuhos niya ang panahon dito at sa kumpanya nito. Naalala niyang ng minsang pumunta siya doon para bumisita. "Iyan pala ang apo ng presidente? Babae pala? Hindi 'yan maaasahan" "Oo nga, ano ba ang alam ng isang babae eh mining ito?" Hindi niya napapansin na kaya pala niya ginagalingan ng husto sa trabaho ay para hindi kutyain at maliitin! "Ms. Ellah!" Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Nagliwanag ang kanyang anyo nang makitang pabalik ang kliyente. "I'll stick on the old price Ms. Lopez," anito habang papasok sila sa loob. Sasang-ayon na sana siya pero inunahan siya ni Gian. "Mr. Garcia napakataas pa rin niyan, nagigipit ang boss ko." "Fine five!" "Three percent sir!" deklara ng binata. Nagulat siya at napaawang ang bibig. Gano'n pa man napakasaya niya at pumayag itong ibaba ng gano'n ka baba. "Mr. Garcia, here's the papers," nakangiting inabot niya ang mga papeles. Walang imik na agad itong pumirma  at ganoon din siya. "Thank you for this Mr. Garcia." "You have to thank your bodyguard Ms. Lopez!" matalim nitong tinitigan  si Gian bago umalis. Taas-noong lumabas ang dalawa bitbit ang bagong kontrata! Nasa biyahe na sila pabalik ng opisina nang magtanong si Ellah. "Ano bang sinabi mo? Bakit mo 'yon nagawang pasunurin sa'yo?" "Sabihin na lang nating, I have connections" sagot ni Gian habang nagmamaneho katabi siya. "Bakit mayaman ka ba?" Natawa si Gian. "Kung hindi maimpluwensiya gano' n ba? Politician ka ba dati?" Mas lalo itong natawa. "Do I look like one?" "Pwes sabihin mo dahil ayokong manghula, isa pa sa pinakaayaw ko ay ang ibinibitin ako sa ere ngayon sabihin mo ano ang sinabi mo sa kanya!" --- "Ganito ang sinabi ko..." Naalala ng binata ang huling usapan ng kliyente nang maabutan niya sa parking lot ang lalaki. "Mr. Garcia sandali lang, huwag naman kayong ganyan sir. " "Who are you?" "I know I don't have any valid reason to interrupt but you are intimidating my boss." "Kung gano'n wala kang pakialam kasasabi mo lang." Nagtagis ang kanyang bagang sa narinig. "Mr. Garcia alam niyo bang napakasikat ninyo? Kahit ako kilala ko kayo. I know you inside and out!" "What do you mean?" "Sabihin na lang nating circulation of permit, sampung tao ang humahawak sa inyong permit hindi ba?  Alam na alam ninyong bawal 'yon. Kung kayo ang may-ari at nag-iisa dapat kayo lang ang gumagamit, bilib ako sa inyo dahil sampu kayo na para bang sampu ang inyong negosyo. Bukod do'n, tumatanggap lang kayo ng pera ng walang kahirap-hirap dahil 'yon ay bayad sa inyong dokumento." "What? That's not true!" "Come on Mr. Garcia huwag na tayong magbolahan dito, pinakamabuti niyong gawin ay bumalik at ibigay ang hiling namin." "Binablackmail mo ba ako?" "Hindi ko na dapat ginawa pero mahirap kayong kausap kaya napilitan ako." "May araw ka rin sa akin!" tugon nito bago bumalik. --- "Kung gano'n, paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na 'yon?" tanong ni Ellah matapos marinig ang paliwanag ni Gian. "I told you marami akong connections." "Then who are you?" tinitigan niya ang binata. "I am your bodyguard and at the same time driver." "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, sino ka talaga?" "Ms. I'm sorry to tell you this, but you are not in the position for you to asks me." Umalsa ang dalaga. "Empleyado kita at ako ang boss mo kaya natural lang na kilalanin kita! Malay ko bang may lahi kang kriminal!" "Tungkol sa bagay na 'yan, wala ka bang tiwala sa lolo mo? Sa palagay mo ba kukuha siya ng taong magpapahamak sa kanyang pinakamamahal na apo?" Hindi siya nakaimik dahil may punto ito. "I will tell you everything if you will become my girlfriend!" "What? No way!" Humalakhak ang binata. Nakapagtatakang hindi siya nairita dahil hindi man niya aminin masarap sa pandinig! 'Yuk! Kilabutan ka nga Ellah! Ano ba 'yang pinagsasabi mo?' Tinitigan niya sa mukha si Gian. May itsura talaga ito, 'yon bang kapag napatingin ka muli mong titingnan uli. 'Pero para maging boyfriend ko ang kumag na ito malabo 'yon!' "Gwapo na ba ako ngayon sa paningin mo Ms. Ellah?" tanong nitong sa daan nakatingin ngunit naglalaro ang ngiti sa mga labi. "Alam mo bang napakayabang mo?" "Hindi mo ba alam na parehas lang tayo?" "Ano!" Muli na naman itong tumawa. 'Nakakainis ang baliw na 'to!' "Pero salamat sa ginawa mo, akala ko talaga hindi na ako makakalusot sa gusot na 'yon." "Wala 'yon, pero akalain mo Ms. Ellah meron ka no'n?" "Ang alin?" kunot-noo niyang tanong. "Iyong magpapasalamat, tama 'yan." "Ofcourse anong palagay mo sa akin walang modo!" "Ooops! Ikaw ang maysabi niyan." "Nakakainis ka talaga, mag drive ka na nga lang!" Hindi na umimik ang binata. Maya-maya ay tumawag na si Jen. "Yes Jen?" "Ms. 'yong planta nagtatanong na po, ultimatum na raw mamayang hapon." "Tell them we will deliver the product right now!" "Yes Ms." Tinawagan niya ngayon ang Marketing manager. "Mr. Javier, maidedeliver na natin mamayang hapon ang produkto so please monitor the plant." "Yes Ms. Ellah that's what I'm doing right now. Galit na sila dahil malaki na raw ang shortage sa kanila at tayo na lang ang hinihintay." "Ikaw na ang bahalang magpapaliwanag, kaya natin 'yan mamayang hapon hanggang gabi, oh I forgot to tell you bumaba tayo ng three percent." "Paano nangyari 'yon?" "Mamaya pag-uusapan natin." "Okay Ms. Ellah." Nakahinga ng maluwag ang dalaga. Salamat na lang at may isang Gian!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD