CHAPTER 4

3168 Words
Liam was taken aback seeing Dylan holding Bea’s hands. He quickly imagined that his initial reaction would be to scold Dylan and grab Bea by her wrist. Pero teka, bakit ko naman gagawin yun? I really don’t give a damn. Nang maisip ito, ay naglakad lang si Liam nang nakapamulsa at tumayo sa harapan ng dalawa sabay kaswal na nagtanong. “Where’s our table?” Biglang nagbitaw ang dalawa pagkarinig sa malalim na boses ni Liam at sabay na napalingon. Si Dylan ang unang nagsalita. “Oh, hi bro. I already reserved a table for us. Come this way.” Inakbayan na ni Dylan si Liam at nauna na silang maglakad papunta sa table nila. Nakasunod lang sa kanila si Bea. Nang makaupo, Liam asked for the menu. Hindi na siya nag-abalang tanungin si Bea. He ordered for everyone and asked for a glass of juice for Bea and iced cold beer for them. “Where’s the proposal? Come on let me read it first.” Business talk agad ang inatupag ng dalawa habang naghihintay sila ng food nila. Si Bea naman ay tahimik na nanonood lang sa kanila. Come to think of it, ako na ata ang pinaka-swerteng babae sa loob ng restaurant na ito. Dalawang nag-guguwapuhang mga lalaki ang ka-table ko at pareho pang mga yummy ang katawan. Siguro ang huhusay nitong mga ito na magpaligaya ng girlfriends nila. Sabagay, kung hindi naman e bakit pa babalik ang mga girls sa condo ni Sir and despite knowing the truth na madami sila. Hmm…siguro the way Sir Liam makes them happy in bed is something that they couldn't forget kaya hindi nila maiwan si Sir. Hindi napansin ni Bea na titig na titig na siya kay Liam at bahagya nang naka-nganga ang bibig niya. Sabay namang napatingin sina Liam at Dylan kay Bea, at di napigil ni Dylan na mapahagalpak ng tawa. Nagulat si Bea sa lakas ng tawa ni Dylan at naipilig ang ulo. Liam on the other hand stayed calm and was looking cool as ever. Poker face. Expressionless. In short, deadma.  “Why? Is something funny? Did I miss anything?” Tanong ni Bea sa dalawa nang mahimasmasan. “Look, Bea, you’re zoning out. Didn’t you know that you were staring at us…actually at him…way too long? And naka-nganga ka pa. You're drooling girl. That’s what made us laugh!” Tumawa pa uli si Dylan pagkasabi nito. Tumikhim naman si Liam as a sign of protest at na-gets naman agad ni Dylan. “Oops, sorry, ako lang pala ang tumawa.” Dylan was quick to correct himself. At tahimik lang na bumalik sa pagbabasa ng proposal si Liam. “Oh, is that so? Sir Dylan, if you didn’t know yet, I think I have the most handsome boss in the world, don’t you think so?” Lumabas na naman ang pagka-prangka ni Bea. She meant what she said at si Dylan naman ang natulala sa sinabi niya. While Liam’s heart fluttered, he tried his best not to look up but he was obviously having a hard time focusing. Napansin iyon ni Dylan who teased him and took the papers from him. “Akina nga bro, hindi ka na umandar sa pagbabasa, hanggang ngayon page 1 ka pa din.” At ngumiti pa itong parang may ibig sabihin bago  inagaw ang papers kay Liam. Their food arrived. Liam was saved from explaining himself. Bea didn’t notice that Liam felt uncomfortable. Kumain lang siya nang tahimik while the two men talked about other things while eating. They stayed for 2 hours in the restaurant. Liam reminded Dylan about their schedule that night before they said goodbye. Si Bea naman ay parang sumama ang pakiramdam. Hindi yata sanay sa mamahaling pagkain tong tiyan ko, ang sakit. Liam noticed her facial expression nang makaupo na sila sa loob ng kotse. “Are you alright?” May halong pag-aalala ang pagkakatanong ni Liam. Parang kinilig ng kaunti si Bea sa malambing na boses ng boss niya. “Yes, Sir, I’m fine. I think I just over-ate.” Hawak hawak ni Bea ang tiyan niya and leaned backwards to relax. Liam started the engine and looked briefly at Bea who had her eyes closed. Nagising na lang si Bea nang huminto ang makina ng kotse. “Huh, nakatulog pala ako, Sir. I’m sorry. Where are we?” Napansin kasi niya na wala sila sa parking lot ng kumpanya. “We’re at the basement parking of my condo.” Sabay binuksan na nito ang pinto at lumabas. Hindi na nakuhang magtanong pa uli ni Bea at sumunod na lang kay Liam. Pero naramdaman niya na hindi pa pala bumubuti ang pakiramdam niya. Napahawak uli siya sa tiyan niya habang papasok na sila sa elevator. “See. You’re not feeling well kaya dinala muna kita dito, You can’t work well sa opisina kung ganyan ang nararamdaman mo.” Liam told Bea while inside the elevator. “Ok, I see. Thank you, Sir.” Impit na ang pagsasalita ni Bea dahil sa sakit na nararamdaman. Parang bigla namang tumindi ang sakit at napakapit siya sa wall ng elevator. Saktong nagbukas ang pinto ng elevator. Nagulat na lang si Bea nang bigla na lang lumapit si Liam sa kanya at binuhat siya.  “Oh, no, no Sir…I’m okay, kaya ko pong maglakad..” Bea felt embarrassed pero hindi pa din siya ibinaba ni Liam. Napilitan si Bea na kumapit na lang at pinaghawak ang dalawang kamay sa likod ng batok ni Liam para may suporta at hindi siya mahulog. Pag dating sa tapat ng pinto ay ibinaba na ni Liam si Bea at inalalayan na lang niya na maglakad papasok sa unit niya. Walang maririnig na salita kay Liam pero ramdam na ramdam ni Bea na parehong kumakabog ang dibdib nila. Parang rinig na rinig pa niya ang tibok ng puso niya. “Stay inside the room. You can lie down on the bed.” Utos ni Liam kay Bea. “It’s really not necessary, Sir. Nakakahiya naman po, dito lang ako sa sofa, okay na po.” In one swift move, muling nabuhat ni Liam si Bea at lumakad papunta sa kuwarto. Gustuhin mang mag-protesta ni Bea ay hindi na niya ginawa dahil nakita niya sa mukha ng boss niya na hindi siya mananalo. Pagpasok sa loob ay dahan dahang ihiniga ni Liam si Bea sa malambot niyang kama. Hindi agad inalis ni Liam ang mga kamay niya na nadadaganan pa ni Bea. Nagkalapit ang mga mukha nila at ramdam na ramdam nila ang init ng hininga ng bawat isa. Napapikit si Bea. Napabilis ang pintig ng puso niya. Sabay bigla siyang napahawak sa tiyan. “Aray…ang sakit…” Muling may naramdamang pagkirot si Bea. Diniinan niya ng kamay ang tiyan niya. Maagap naman si Liam na tinanggal ang kamay sa likod ni Bea at idiniin din sa tiyan ni Bea. Nahawakan pa niya ang kamay ni Bea. Parang wala lang naman kay Liam na nagtanong pa kay Bea. “Hindi ba kaya ang sakit? Do you think we need to go to ER?” Nakalapat pa din ang kamay niya sa kamay ni Bea. Halos hindi makapagsalita nang diretso si Bea nang sumagot. “Ah, hindi na sir. I think I’ll just need a rest, hindi lang ata ako natunawan.” Hindi niya malaman kung nautal ba siya sa kilig o sakit. Tumayo si Liam at lumabas ng kuwarto. Habang wala si Liam ay inikot ni Bea ang paningin sa palibot ng kuwarto. Malaki ang kuwarto…parang doble ng sala. May banyong sarili sa loob. Pero see through ang wall. Siguro kaya sa labas nagbanyo si Leah, baka nag-CR. Napangiti si Bea sa naalala niya. Hinawakan niya ang unan sa tabi niya…pinadaanan ng kamay ang bed sheet…Hmm..ang lambot naman. At napapikit pa si Bea nang ma-imagine na siya ang nakahiga doon katabi ang boss niya. Bigla ay naisip niyang mali ang iniisip niya. Dumilat siya at ipinilig ang ulo. “Is something wrong?” Nakatayo na pala sa tapat niya si Liam at may dalang tray na may cup of tea, glass of water, and medicine for indigestion. “Huh? Ah, wala…wala po sir. Ipinilig ko lang ang ulo ko kasi parang sumasakit po.” Pagmamaang-maangan ni Bea. “Okay. Drink this habang warm pa. Makakatulong to sa sakit ng tiyan mo. Then take this meds for indigestion. Mayamaya lang magiginhawaan ka na. Rest for a while. Take a nap. I’ll just finish some paper works.” Tumayo na si Liam at hindi na inantay na makasagot si Bea. Bakit kaya ganun? Walang ka-emo-emosyon ang mukha. Pero sa tono ng pananalita, ramdam ko naman na nagwu-worry siya. Kinilig si Bea at the thought. Pero bigla din ay naalala niya na wala siyang karapatan mag-expect. Besides, may boyfriend naman siya so it would be wrong for her to feel that way. Umayos ka Bea. Bea reminded herself silently. Hindi na alam ni Bea kung gaano siya katagal na nakatulog pero pag gising niya ay may kumot nang nakatakip sa kanya. Ramdam na din niya ang lamig ng aircon. Nakasindi ang ilaw at sa pakiramdam niya ay gabi na. Tumayo siya at natuwa sa naramdaman na okay na ang tiyan  niya. Hindi na din masakit ang ulo niya. Hinanap niya ang cellphone para silipin ang oras. Pero hindi niya makita ang bag niya. Ah…baka naiwan ko sa sala. Nasaan kaya si Sir? Lumabas si Bea sa sala at nakita niya sa sofa ang bag niya. Pero nagtaka siya dahil ang cellphone niya ay nakalabas at nakalapag sa sofa katabi ng bag. Inikot niya ang paningin niya pero hindi niya makita si Liam. Pag tingin sa cellphone ay hindi makapaniwala si Bea. Alas onse na! OMG gabing gabi na pala. Paanong napasarap ng ganun ang tulog ko? At saka nasaan siya? Bakit hindi niya ako ginising? And may missed calls from the office. Siguro sinagot niya. Napansin ni Bea na may pintuan sa may bandang dulo katabi ng pinto ng CR. Dahan dahan siyang lumapit at sumilip sa loob. Nang makita na may lamesa at swivel chair…may bookshelves at may folders sa table, naisip niya na study room iyon ng boss niya. Mga rich talaga, may sariling opisina sa bahay. Papasok na sana siya para mag-tingin pa ng mga materials na makakatulong sa story niya, nang marinig niya na bumukas ang pinto sa sala. Mabilis na lumabas ng study room si Bea at sinalubong si Liam. “Bea...hi! You’re awake!” Malakas ang boses ni Liam at nagulat si Bea na parang masigla nang kaunti ang tono kumpara sa pagiging seryoso nito palagi. Nang lumapit si Bea ay naamoy niya ang alak. Aah, kaya pala. Lasing. Akala ko natuwa nung makita ako. Bulong ni Bea sa sarili. Si Liam naman ay pasuray suray na lumakad sa sala hanggang sa bumagsak sa sofa. “Oops, Sir! Halikayo, sa kuwarto po kayo matulog para mas relax po kayo.” Lumapit siya kay Liam at pilit na inalalayan itong makatayo mula sa sofa. Hirap na hirap si Bea dahil sa bigat ni Liam na halos hindi kaya ang sarili. Akala ko ba hindi ka nalalasing. Nakuuu…humanda ka sa kin bukas, Sir. Unti-unti silang nakahakbang papunta sa kuwarto. Nakaakbay sa balikat niya ang isang braso ni Liam at nasa likod naman ni Liam ang isang kamay ni Bea. Kahit hirap na hirap ay nagawa pa din ni Bea na ihiga si Liam sa kama, pabagsak nga lang dahil sa bigat nito. At dahil nakayakap pa si Bea sa likod ni Liam, nahatak siya sa pagkakabagsak nito sa kama at napadapa dito. “Ouch, ang sakit nun ha.” Humampas kasi ang katawan niya nang pabagsak sa katawan ni Liam at hindi sa malambot na kama kaya nasaktan si Bea. Pero saglit lang ang sakit na naramdaman niya, napalitan din agad ng init ng katawan dahil nakadagan siya at nakaharap kay Liam. Hindi malaman ni Bea ang gagawin niya. Saglit siyang tumitig sa mukha ni Liam na noon ay nakapikit na at bahagya pang nakaawang ang mapupulang labi. Haist, parang ang sarap halikan. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Akmang tatayo na si Bea nang hapitin ni Liam ng isang kamay si Bea likod. Hindi ito makatayo at nanatiling nakadagan sa ibabaw ni Liam. Parang gustong pagpawisan ni Bea sa sobrang kaba. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya. Sa takot ba? Sa excitement? Saan? Bakit ako kinakabahan nang ganito? Gumalaw ang isang kamay ni Liam at nilagay sa likod ng batok ni Bea. Hinila niya papalapit sa kanya ang mukha ni Bea at kahit nakapikit, mabilis na hinalikan sa mga labi si Bea. Gulat na gulat si Bea sa bilis ng mga pangyayari. Hindi siya agad na nakakibo at hindi din makapanlaban. Paano nga ba niya lalabanan ang sarap ng mga halik ni Liam? Pilit ibinuka ni Liam ang bibig ni Bea gamit ang dila niya. Nang lumapat ang mainit na dila ni Liam sa malambot na labi ni Bea, wala na siyang nagawa. Parang umikot ang mundo niya at kusang bumuka ang bibig niya. Mayamaya lang ay lumalaban na din siya ng mainit na pag halik kay Liam. Maging siya ay naging mapusok din na pinaglaro ang dila sa loob ng bibig ni Liam. Narinig niya na napaungol si Liam sa ginagawa niya. At unti-unti ay may bumubukol na sa ibabang bahagi ni Liam na tumukod sa hita ni Bea. Humigpit ang pagkakayakap ni Liam sa likuran niya at lalo niyang naramdaman ang matigas na bagay na iyon. Hinawakan naman niya sa pisngi si Liam habang hindi tumitigil sa paghalik sa mga labi nito. Iba ang dating ng halik ni Liam. Ibang iba sa halik ni Darwin. Biglang tumigil si Bea sa ginagawa nang sumagi sa isip ang nobyo niyang si Darwin. Pagkatapos ay bigla ding bumangon. Mali ito, mali ito. Paulit-ulit niyang sinabihan ang sarili niya habang nakatayo na at inaayos ang sarili. Nang tingnan niya si Liam ay hindi ito gumagalaw at hindi nagbabago ang posisyon ng pagkakahiga sa kama. Mahimbing na pala itong natutulog. Mabuti naman tulog na. Sana hindi magising, aalis na ako. Nakuha pa ni Bea na tanggalin ang suot na sapatos ni Liam at ang medyas nito. Hindi na niya hinubad ang damit at hinayaan na lang niya na makatulog itong ganoon ang suot. Hinatak niya ang makapal na kumot sa paanan ng kama at itinakip sa katawan ni Liam. Pagkatapos ay dahan dahan nang lumabas ng kuwarto si Bea at dumiretso nang labas sa condo.  KINABUKASAN SA OPISINA, nananakbo na naman si Bea papunta sa elevator. Tinanghali siya ng gising dahil madaling araw na siyang nakauwi sa apartment. Hindi pa siya agad nakatulog dahil pabalik balik na sumasagi sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Liam. And speaking of Liam, pag tapat niya sa elevator ay si Liam uli ang nakasabay niya sa pagpasok dito. Bumati siya ng good morning then Liam just nodded his head. Hindi naman nag-warning sign ang elevator dahil sakto lang ang sakay. They stood side by side. Nakatayo silang magkadikit ang braso but there was no reaction from Liam unlike with Bea, na ramdam na ramdam ang init ng braso ni Liam. Parang hindi apektado si Liam sa kung anong nangyari ng nagdaang gabi. Pag dating sa opisina niya ay agad na ipinatawag ni Liam si Bea. “What’s our schedule for today?” Pormal na tanong ni Liam kay Bea. Nagtaka naman si Bea na hindi man lang muna ito nangumusta o nagtanong kung ano ang nangyari kagabi. “Ah, Sir, we don’t have schedule today. I’ll write the first draft then will have it checked later before the day ends.” Maagap na sagot ni Bea. “Okay. Good. You may go now.” Sagot naman ni Liam. Nang tatalikod na si Bea, tinawag siya uli nito. Kinabahan si Bea thinking that they would talk about last night. Dahan dahan siyang lumingon. Pero narinig na niya na nagsimula nang magsalita si Liam. “About yesterday…” panimula ni Liam. “Oh, no, no , no, Sir! Don’t worry, I’m fine and let’s move on.” Napabilis ang lingon ni Bea kay Liam. Nahihiya si Bea na pag-usapan ang paghahalikan nila kaya inunahan na niya ito. Si Liam naman ay takang taka sa reaksyon niya. “Oh right, I see that you’re fine. I’m glad umepekto ang pahinga at gamot sa ‘yo. I had to go out and meet Dylan. Napainom kami and hindi na kita ginising. What time did you get home? Pag uwi ko kasi sa bahay wala ka na. I was dead drunk, mabuti nandoon si Lanie…or si Tracy ba yun? Hindi ko na actually matandaan kung sino sa kanila ang dumating. But anyway, I’m glad you’re fine. Let’s just set another schedule for some activities.” Tulalang tulala si Bea na hindi makapaniwala sa narinig. So hindi man lang niya natandaan na ako yun? Nilantakan na niya nang husto ang mga labi ko tapos ibang tao ang tingin niya sa akin? Hindi namalayan ni Bea na nainis na pala siya at nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin kay Liam. “What? Is there a problem? I said you may go now, Bea.” Takang taka naman si Liam habang pinapaalis na si Bea. Yumukod lang nang bahagya si Bea sabay tumalikod at naglakad na papalayo. Hmp. Makataboy grabe. I can go. Paaanong I can go, e mukhang di nga ako makaka-let go? Halos maiyak si Bea habang kinakausap ang sarili. Hanggang sa pag-upo sa lamesa niya ay nakatulala siya at nakatitig sa computer screen. “Anong meron? May pinapanood ka ba? Ikaw ha…” Nanukso pa si Carla pag daan sa table ni Bea dahil napansin niyang titig na titig ito sa screen. Narinig naman siya ni Bea at parang nagising sa tawa ni Carla. “Anong pinapanood? Eto oh, pinapanood ko yung mga icon ng Microsoft office.” Itinuro pa ni Bea ang screen at tinawanan si Carla. “So, saan ka na naman natulog kagabi?” Usisa ni Carla kay Bea na masama na naman ang tingin. “Hardinero ba yang nobyo mo at napakahilig magdilig, ha?” “Huy, marinig ka nila, ano ba.” Agad sinaway ni Bea si Carla. “O, e di sige, hindi na hardinero, magsasaka na lang, mahilig mag-araro!” Sabay tawa nito nang malakas. “Bastos ka talaga…stop it, Carla, mamaya na tayo mag-usap over lunch.” Tawa din nang tawa si Bea habang tinataboy si Carla. Nang makaalis na si Carla ay muling napaisip si Bea. Hindi nga pala niya ako nakita kasi tulog na siya pag dating ko. Pag gising ko naman wala na siya. Pero ano nga ba sasabihin ko? Galing ako sa condo ni boss. Tsk. Parang hindi naman magandang pakinggan. Pero bakit ba. Sabihin ko work yun. Hanggang ganoong oras? Naku, hindi talaga maniniwala si Carla. Ang dumi pa naman ng utak nun. Alalang alala si Bea sa sasabihin kay Carla kaya naisip niya na magsinungaling na lang dito at sabihin na kay Darwin siya natulog.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD